28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Horoscope Pag-Ibig Setyembre 2, 2023

ARIES

Hindi dahilan ang kabiguan upang hindi mo ituloy ang masayang buhay. Tandaan mong sa bawat kabiguan na mararanasan ay daan upang ikaw ay mas magiging matatag at matutong labanan ang hamon ng kapalaran dadating ang tunay na ligaya sa tamang oras

Masuwerteng numero:14 & 23

TAURUS

Love is in the air daw ba? Ngunit bakit tila yata pati ang hangin ngayon ay kasing lamig ng pakikitingong ipinapakita at ipinaparamdam niya sayo? Wag mag-alala dala lamang ito ng pagiging abala niya sa mga mahahalagang gawain. Babawi siya pagkatapos ng lahat.

Masuwerteng numero:11,&13

GEMINI

Maaari mong gawin ngayon ang mga gusto mong tuntunin sa inyong relasyon. Maaari mong asahan ang isang sitwasyon na kung saan ay maaari bumuo ng mas mahabang panahon at oras para sa isat isa. Wag sayangin ang pagkakataong ito na ipadama sa kanya ang iyong pagmamahal.

Masuwerteng numero:25,36,

CANCER

Kung kilan pa nalalapit ang kapaskuhan saka mo nakikita ang unti-unti pagkasira ng inyong relasyon. Maaaring kulang lamang kayo pareho ng oras para sa isat – isa. Subukan ang maglaan ng mas mahabang oras at tingnan kung kaya pang ibalik ang init ng pagmamahalan sa pagitan ninyo.

Masuwerteng numero 36 & 56

LEO

Isang nakakakilig na surpresa ang maaaring maganap ngayon. Ito ay dahil sa kawalan niya ng sapat na oras sayo nitong mga nakaraan kaya naman todo ang effort niya na makabawi sayo at idadaan niya ito sa isang nakakakilig na surpresa. Mahaba ng hair sis.

Masuwerteng numero:7& 8

VIRGO.

Isang dating pag-ibig ang maaaring magbalik. Wag magpadala sa bugso ng iyong damdamin at sa tamis na mga salita. Tandaan kung nagawa ka niyang ipagpalit noon, kayang kaya niya itong gawin muli sa anumang pagkakataon.

Masuwerteng numero:20 & 40

Libra

Ang taong katagal munang lihim ng hinahangaan ay tila  unti-unti ng mapapalapit sayo. Sa kilos at sa kanyang pananalita ay mararamdam mong mas pinahahalagahan ka niya. Kaya naman pakiwari mo ay pasko na. Relax wag maging atat at baka ito ay mapurnada pa.

Masuwerteng numero:15 & 31

SCORPIO

Sa kabila ng mga kabiguan na iyong mga nararanasan ay patuloy ka pa ding aasa na dadating ang isang tao na tunay na pagpapadama sayo ng isang wagas na pag-ibig. Wag mainip maaaring nariyan lamang siya sa iyong paligid ngunit dimo pansin kasi kung saan-saan ka naka tingin.

Masuwerteng numero.:9 & 16

SAGITTARIUS

Maaari mong subukan ang lumayo ng  mabilis ngayon. Ang iyong pantasya sa isang taong matagal munang lihim na ninanais na nakuha ay tuluyan ng maglaho sapagkat ngayon ay pag-aari na ito ng iba. Kaya wala kang magawa kundi harapin ang panibagong kabiguan.

Mawerteng numero:43 & 64

CAPRICORN

Maganda man ang nagging takbo ng iyong buhay pagdating sa iyong career,ay hindi mo ito lubusang mararamdam dahil sa tila wala namang kasiyahan ang iyong buhay pag-ibig. Kung nakikita mo ang panlalamig ng kasuyo subukan mong pag-initin itong muli paglaan ng sapat na panahon na tanging para sa inyong dalawa lamang at ipadama mo sa kanya na walang anumang nabago sa iyong pagmamahal.

Masuwerteng numero:62,&69

AQUARIUS

Maaaring hindi mo mapigil ang iyong sarili na hakawan pa ang mga sama ng loob ng iyong nararamdaman sa isang malapit na kaibigan. Sa kabila kasi ng mga nagawa mong kabutihan ay tila hindi niya ito lubos nga pinahahalagahan. Maaring kailangan lamang ninyo mag-usap at ipaliwanag ang panig ng isat-isa.

Masuwerteng numero: 30 & 40

PISCES

Maaaring kang makaramdam na lubos na pag-akit sa isang particular na tao. Ang iyong pagnanasa ay mas magiging malalim na mapansin ka niya sa Kahit anumang paraan. Maging mahinahon pagdating sa usaping puso masarap magmahal kung mamahalin ka ding pabalik. Ngunit mas masakit kung ikaw lang ang magmamahal at walang makukuhang kapalit. Pigilan ang puso kung maaari.

Masuwerteng numero:1 & 2

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.