Madalas ang isang dalaga lalo na at wala pa siyang anak ay nakapapanaginip ng sanggol at ahas. Ano kaya ang kahulugan nito?
Tunghayan natin ngayon ang panaginip ni Carmela ng Batangas City.
Ang lagi ko pong napapanaginipan ay ahas. Natutulog daw ako tapos may gumagapang na ahas sa aking higaan. Dahan-dahang lumapit sa aking paanan at sa binti ko naman daw ito gumapang patungo sa aking hita. Ang nagtataka ako hindi naman daw ako natatakot at balak ko pa nga raw hawakan ang ahas. Kaya lang kapag hahawakan ko na yong ahas na malaki na parang sawa ay nagising na ako at ng muli akong nakatulog nanaginip uli ako, doon din sa kama na hinihigaan ko uli ang scene may sanggol naman daw na hindi naman umiiyak at nakangiti sa akin na parang totoong-tooo tapos nagising na ako. Paulit-ulit ko po itong napapanaginipan, lalo na ang ahas kaya gusto ko pong malaman ang kahulugan ng panaginip kong ito.
KASAGUTAN.
Hindi mo inilagay Carmela kung ikaw ba ay dalaga pa, may boyfriend, may asawa o kung anuman ang “status” mo sa buhay.
Ganunpaman, dahil ang ahas ay “korteng pahaba na mabilog” kung si Sigmund Freud ang tatanungin, ang ahas ay malinaw na representasyon ng “phallic symbol”.
Ibig sabihin ng “phallic symbol” tulad ng mga nakaraan na nating pagtalakay, ito ay ang mismong representasyon ng aktuwal na “penis ng isang lalaki.”
Kaya nga kung dalaga ka pa sa kasalukuyan at walang boyfriend, ang ibig sabihin ng ahas sa iyong panaghinip ay gusto mong magka-boyfriend.
Kung may boyfriend ka naman sa ngayon, ang ibig sabihin ng iyong panaginip ay gusto mo ng mag-asawa.
Kung may asawa ka naman sa ngayon, ang ibig sabihin ng ahas sa iyong panaginip ay “pakikipagtalik” maaaring malayo ang iyong asawa o na mi-miss mo ang tagpo na nagniniig kayo o kaya’y nabitin ka noong isang gabi, kaya muling nagpakita ang ahas o siya ring penis ng lalaki sa iyong panaginip. Ito ang ibig sabihin ng “gusto mong hawakan ang ahas na malaki at mataba na parang sawa pero nagising ka na.”
Ganyan talagang mapaliwanag ang psychologist na si Sigmund Freud tungkol sa mga panaginip, kung saan, medyo bastos. Muli dahil ang ang ahas ay mahaba at madulas, ganon din daw ang penis, mahaba at madulas na naglalabas-masok sa makipot na lungga o sa makipot na butas ng isang babae.
Kaya nga “unconsciously” o “wala sa loob mo”, gusto mo ng mag-asawa, o magka-boyfriend, na hindi mo lang mabigkas-bigkas sa panahong ikaw ay gising dahil nahihiya ka.
Pero sa panaginip, walang hiya-hiya, dahil tulog ka. Sa panaginip ang unconscious self ang bumibigkas ng mga bagay na ayaw mong marinig habang ikaw ay gising. Pero ‘yon ang “unconscious wish ng iyong sarili.”
At ang ginagamit na lenguwahe ni unconscious upang ma-express ang kanyan needs at wishes ika nga ni Sigmund Freud, “dreams are the royal road to unconscious” – ay ang panaginip.
Sa maikling salita, ang panaginip ang ginagamit na wika o lenguwahe ni unconscious self, upang ma-express naman niya ang kanyang pagkatao habang natutulog ang isang indibidual.
Ang “bata” naman o “sanggol” ay masasabing siya ang “bunga ng pagmamahalan at bunga rin ng pagtatalik”.
Ibig sabihin, ayon sa panaginip mong “ahas” (penis) at “sanggol” (offspring) tulad ng paulit-ulit na naipaliwanag na sa itaas, gusto mo ng mag-asawa o gusto mong makipagtalik, masarapan at magkaanak.
At dahil pauilit-ulit mo na itong napapanaginipan, maaaring hindi matatapos ang taong ito ng 2017 o kaya’y sa pagbungad na pagbungad ng taong 2018, bigla kang makapag-aasawa at magkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.