Mahalaga ang pagkakaroon ng pangalan. Ito ang iyong magiging tatak at pagkakakilanlan. Lahat ng bagay sa mundong ito ay binibigyan ng pangalan o katawagan.
Ngunit, ang Diyos, may pangalan ba siya?
Bagama’t wala pang nakakakita sa Diyos sa pisikal nitong kalagayan, binigyan siya ng mga tao ng pangalan.
Iba’t iba ang pangalan ng Diyos, depende sa kultura.
Bukod sa Yahweh at Jehovah, isa pa sa pinaka-popular na pangalang ibinigay sa Diyos ay ang Tetragrammaton.
Ang Tetragrammaton ay itinuturing na unspoken name of God. Noong unang panahon, tanging mga high priest lamang ang pinahihintulutang bumanggit ng banal na pangalan; at ito ay nagaganap lamang isang beses sa loob ng isang taon para sa isang specific ritual. Bukod dito, pinipiling mabuti ang pari na pahihintulutang bumanggit ng banal na pangalan. Ang nasabing pari ay daraan sa isang intense purification ritual bago niya mabanggit ang Pangalan ng Diyos sa loob ng Holy of Holies—isang banal na silid sa loob ng templo kung saan lamang maaaring banggitin ang Pangalan ng Diyos.
Tunay na makapangyarihan ng Pangalan ng Diyos. Isa si Moses sa nakaranas ng kapangyarihan ng Pangalan ng Diyos. Nangyari ito nang magpakita ang Diyos kay Moses sa anyo ng apoy sa ibabaw ng isang talahib. Nang tanungin ni Moses kung ano ang dapat niyang itawag sa Diyos, sinagot siya ng tinig na: “Ako ay si Ako nga.” Ang first encounter na ito ni Moses sa Diyos ay nakatala sa Hebrew.
Kaya pahalagahan ang iyong pangalan at maging ng iyong kapuwa. Huwag bibigyan ng bansag ang isang tao. Tawagin siya sa totoo niyang pangalan sapagkat ito ang kaniyang kapangyarihan.