30.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 3, 2023

DAGA (RAT)

Ngayong maghapon ay maookupa ang oras mo sa pag-iisip ng solusyon sa isang problema na may kinalaman sa iyong mga kaanak. Sa kabila ng mga nagawa nilang pagkakamali sa’yo ay mangingibabaw pa rin sa’yo ang pagmamalasakit mo sa kanila.

Masuwerteng numero; 8,19,20,21

BAKA (OX)

Hindi ka mabibigo sa inaasam mong mangyari ngayong araw. Magiging mabait sa’yo ang tadhana at pagbibigyan ka sa iyong kagustuhan. Subalit huwag mo itong aabusuhin at ilagay lamang sa lugar ang lahat.

Masuwerteng numero; 24,27,34,35

TIGRE (TIGER)

Huwag mong pwersahin ang isang tao na manatili sa iyong buhay. Magawa mo man siyang pilitin ay hindi ka rin magiging masaya kaya’t mas makakabuti kung ibibigay mo na lang ang kalayaang hinihingi niya dahil hindi siya ang tamang tao para ipaglaban mo.

Masuwerteng numero; 51,67,72,78

KUNEHO (RABBIT)

Magiging mailap sa’yo ang suwerte sa araw na ito. Pero wala ka namang dapat ipag-alala. Hindi ka rin lalapitan ng malas. Same routine at makakaramdam ka lamang ng pagkainip sa matagal mo nang hinihintay.

Masuwerteng numero; 16,21,42,56

DRAGON (DRAGON)

Hindi makakatulong ang pagbabakasakali mo sa isang mahalagang bagay. Dapat ay pag-isipan mo muna itong mabuti at pag-aralan ang bawat detalye, nang sa gayon ay maiwasan mo ang pagkakamali na pagsisisihan mo lang sa huli.

Masuwerteng numero; 1,13,14,25

AHAS (SNAKE)

Isang tao na hindi mo inaasahan ang siyang makakapagbigay sa’yo ng tulong ngayon. Kusa siyang lalapit sa’yo para mag-alok ng tulong at dahil ipit ka na sa hindi magandang sitwasyon kaya hindi mo ito magagawang tanggihan

Masuwerteng numero; 19,22,38,40

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng sobrang stress sa trabaho. Lalo na at hindi mo pa gamay ang bago mong posisyon dito. Huwag kang mahihiyang humingi ng tulong kung kinakailangan. May mga handa namang umalalay sa’yo.

Masuwerteng numero; 19,30,26,27

TUPA (SHEEP)

Mag-ingat sa pagsisiwalat ng mga sikreto lalo na kung ito ay hindi iyo. Maaari itong pagmulan ng gulo na posible ring lumala. Upang maiwasan ito, piliin ang mga taong kakausapin at piliin din ang mga salitang sasabihin.

Masuwerteng numero; 28,44,53,56

UNGGOY (MONKEY)

Mag-ingat sa mga fake news at sa mga taong plastik. Nagkalat ito sa paligid mo ngayon at kung magpapaapekto ka ay ikaw ang siyang magdurusa. Mas makakabuti kung magpopokus na lang muna sa trabaho.

Masuwerteng numero; 14,24,28,35

TANDANG (ROOSTER)

Masaya ang araw na ito para sa’yo. Walang katapat na halaga ang bonding kasama ang pamilya. Ibang klase ang saya na idudulot nito sa inyo pare-pareho kaya naman nanaisin mo talaga na maulit pa ito as soon as possible.

Masuwerteng numero; 10,11,12,26

ASO (DOG)

Kung meron ka mang dapat bantayan ngayon, iyon ay ang iyong kalusugan. Dahil sa sobrang subsob mo sa trabaho ay nakakaligtaan mo nang pangalagaan ang iyong katawan na siyang mahalaga para makapagpatuloy ka sa trabaho.

Masuwerteng numero; 23,30,31,42

BABOY (PIG)

Hindi ka makakapagpatuloy sa kinabukasan kung palagi mong aalalahanin ang nakaraan. Magiging sagabal ito sa mga plano mo para sa hinaharap. Isantabi mo muna kung ano man ang ayaw mong kalimutan sa nakaraan.

Masuwerteng numero; 15,29,33,60

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.