30.9 C
Manila
Friday, September 6, 2024

Ano nga ba ang Eros at Thanatos? Tuklasin!

Ituloy na natin ang pagtalakay kung paano mag-interpret ng panaginip ang psychologist na si Sigmund Freud.

Kaya lang siyempre upang lubos nating maunawaan ang mga panaginip kailangang matutunan ninyo ang mga basic principles na pinaniniwalaan ni Freud.

Kabilang nga dito ang dalawang basic instincts ng isang indibidwal na natalakay na natin nitong nagdaang mga araw.

Bilang review ay muli nating tatalakayin, dahil tulad ng pangako ko sa inyo, basta’t manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo nating ito, siguradong matutunan ninyong mag-interpret ng sarili ninyong panaginip at matututo rin kayo ng mga “psychological principles” na magagamit ninyo sa pang-araw-araw ninyong pamumuhay, upang mas madali ninyong makamit ang isang matagumpay at maligayang pamumuhay.

Muli, ayon kay Freud may dalawang pangunahing motibasyon o udyok, or unconscious wish ang isang tao:

Una, pakikipag-sex para sa pagpapalahi. Ito ang tinatawag na “life instincts” (Eros) na puwede rin nating sabihing “wish to create”. Kung saan, sarap ang pangunahing hangad ng tao upang sa pagpaparaos ng sarap mapapanatili ang buhay.

At ang pangalawang pangunahing motibasyon at siya ring unconscious wish ng isang tao ay ang “death instincts” (Thanatos) na puwede rin nating sabihing “unconscious wish to destruct” o paghahangad na makapangwasak.

Kung sasakyan nating mabuti ang theorya o mga palagay na ito ni Freud mapapaisip ka, dahil mapapansin mong laging may “conflict” sa buhay ng isang tao. Ano ang conflict o sigalutang kadalasang nagaganap sa buhay ng isang tao?

Eto ang sagot: “Gusto ng tao na makipagtalik para magpalahi at masarapan, samantalang gusto rin niyang wasakin ang kanyang ginawa o ang kanyang sarili upang mamatay.

Bakit naman gusto ng tao or bakit sa unconscious wish ng bawat nilalang ay gusto nilang magpakamatay o mamatay? Ang saktong sagot: “Dahil nais nang magbalik ng katawang lupa sa kanyang pinanggalingan! Habang ang “nanahan namang nilalang sa iyong katawan lupa ay nais na rin niyang bumalik sa kanyang pinagmulan.

Mahirap unawain, pero saka ko na lang sa inyo i-explain na mabuti. Dahil ang talagang asignatura natin sa mga sandaling ito ay tungkol sa panaginip.

Pansamantala, uulitin ko lang ulit. Unconscious wish din ng isang tao ang destruction ng kanyang kapwa at ng kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit alam naman ng mga pangunahing leaders ng mga makapangyarihang bansa, ang magiging resulta ng nuclear bomb, kung sakaling sumabog ito, ngunit bakit ayaw pa nilang tigilan ang paggawa at pag-iimbak nito? Tama ang sagot mo, tulad ng nasabi na, maaaring “unconscious wish” din kasi ng mga pangunahing namumuno ng mga makapangyarihang bansa sa ibat-ibang panig ng daigdig na magunaw ang mundo.

Kung palabasa ka ng kasaysayan, ito rin ang dahilan kung bakit ang mga aklat tungkol sa history ay batbat o punong-puno ng karahasan at digmaan. ‘Wag ka nang lumayo, sa pang araw-araw na mga balita sa mga dyaryo, T.V. radio at sa mga pangunahing pahayagan, mapapansing karamihan sa malalaking balita ay tungkol sa kalibugan, suicide, patayan at digmaan. Tulad ng nasabi na, “unconscious wish kasi ng bawat tao ang destruction at kamatayan” kaya’t kusang nagaganap ang mga pangyayaring tinuran na sa itaas.

Sa kabilang banda, patuloy ding dumarami ang populasyon, dahil kagaya ng naipaliwanag na, “wish din o udyok din ng unconscious self ng isang tao ang pagtatalik o ang “wish to create” upang mamintina o mapanatili ang “life.

Bilang patikim sa mga napag-aralan natin noong nakaraan araw tungkol sa yoni o mga hugis bilog na siya ring representasyon ng aktuwal na vagina ng isang babae, subukan nating bigyan kahulugan ngayon ang panaginip na bulaklak.

Ang bulaklak sa panaginip tulad ng natalakay na natin sa mga nagdaang pahina, ayon kay Sigmund Freud ang bulaklak ay “yoni symbol”. Ibig sabihin ito ang mismong suso ng babae at vagina ng isang babae. Kung kaya’t kung ang mga bulaklak sa iyong panaginip ay nakatusok sa plorera (flower vase) ito ay pahiwatig ng unti-unti ng bumubulas at nagiging dalaga si “nene” sa partikular bumubulas na ang maseselang bahagi ng kanyang katawan at unti-unti ng naghahanda ang kanyang unconscious mind sa pakikipag-boyfriend at kapag hindi nakatiis ay sa pakikipagtalik.

Paubos na ang ating espasyo, kaya sa susunod na araw nating itutuloy ang kahulugang ito ng panaginip na bulaklak. Ang mahalaga, patuloy kayong sumubaybay sa ating mga artikulo upang marami pa kayong matutunan hinggil sa pag-iinterpret ng mga panaginip. 

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.