27.2 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

ANG WASTONG PAGGAMIT NG QUIJIA BOARD

Pamilyar ka ba sa Quijia Board?

Ang Quija Board, o kilala rin sa tawag na spirit board o talking board, ay isang flat board na may mga nakalimbag na mga letra ng alphabet; mga numero mula 0-9; at mga salitang “yes”, “no”, “hello”, at “goodbye”. Katambal nito ang planchette o isang maliit na hugis pusong piraso ng kahoy o plastic na siyang nagsisilbing pointer.

        Naging popular ang paggamit ng Quija Board simula nang ito ay ilabas ng Parker Brothers sa ilalim ng trademark na Hasbro, Inc., sa Amerika. Mula noon, ang Quijia Board ay isang popular na mukha o medium ng paranormal activity.

        Pinaniniwalaan na ang Quijia Board ay nagsisilbing tulay ng mga espiritu upang makipag-ugnayan sa mundo ng mga tao.

        Ang paggamit ng Quija Board ay may mga sinusundan ding procedures. Narito ang mga pangunahing alituntunin sa paggamit ng spirit board.

  1. Kailangan na dalawang katao o higit pa ang participant. Hindi puwede ang isa lang. Kailangan kasing makabuo ang mga participant ng pabilog na formation sapagkat ito ang magsisilbing protective circle upang hindi ma-posses ng espiritu ang sinumang kalahok.
  • Dapat ay nasa oras ang paggamit ng Quijia Board. Sinasabing mas mainam gamitin ang spirit board sa gabi, bagama’t maaari naman kahit anong oras. Marahil ay dahil sa paniniwala na mas aktibo ang mga espiritu sa gabi.
  • Ayusin ang ambiance. Mas nakaka-attract ng tamang attitude at vibes ang paggamit ng spirit board kung gagawing nakakatakot ang ambiance. Maganda kung pupuwesto kayo sa madilim na lugar habang may sinding mga kandila.
  • Planuhin ang mga itatanong sa espiritu. Ito ay upang maging handa kayo at alerto sa mga mangyayari. Baka nga naman kung kailan nandiyan na ang espiritu ay saka wala naman kayong maitanong.
  • Magpakita ng kagandang-asal sa espiritung nakontak. Sa sandaling gumalaw na ang planchette, huwag kakalimutang magsabi nang maiksing pasasalamat sa espiritu na inyong natawag.
  • Huwag mag-demand ng kung ano-ano sa espiritu. Ilan dito ay ang paghingi ng physical sign kung totoong may espiritu nga.
  • Huwag paniniwalaan ang lahat ng sinasabi ng Board. Tatandaan na ang ilang malevolent spirit ay mapanlinlang.
  • Magkaroon ng proper closing. Ito ang pinakamahalagang bahagi. Kinakailangang masiguro ninyo na talagang nakaalis na ang espiritu bago ninyo buwagin ang circle formation. Ito ang pinagmumulan ng possession.

Sa paggamit ng Quijia Board, mahalaga rin na isaalang-alang ang kalusugan at kaayusan ng isipan ng mga participant. Hangga’t maaari, iwasan na magsali ng mga hindi seryoso o iyong mga nanunubok lamang. Huwag ring magsama ng masyadong matatakutin at may sakit sa puso dahil hindi ninyo masasabi kung ano ang aktuwal na mangyayari sa inyong session. Bawal rin ang mga nakainom o naka-drugs dahil ito ang madaling ma-possess kung sakaling malakas ang espiritung natawag.

Bagama’t marami pa rin ang hindi naniniwala sa Quijia at nagsasabing ito ay piraso lamang ng tabla na may mga letra, pakatatandaan na ang nagbibigay ng kapangyarihan sa quijia ay ang intensiyon ng mga taong gagamit nito. Ang intention ay siyang pangunahing dahilan upang matawag ang anumang uri ng espiritu. Ang quijia board ay instrumento o flat form (medium) lamang nang pakikipag-ugnayan sa kabilang daigdig.

        Isa pa sa babalang maibibigay ko, sadyang 99 percent ng mga natatawag na espiritu ng Quijia ay masama. Kaya, ingat.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.