25.9 C
Manila
Monday, July 22, 2024

Ang Swerte At Malas Sa Pagsusuot Ng Medyas

Kapag gumawa ka ng tama ay siguradong susuwrtehin ka sa buhay pero kapag mali ang gawain mo, tiyak na mamalasin ka lang. Kaya nga, dapat ay palaging nandiyan ang ating mga magulang para tayo ay magabayan. Iyon nga lang, kung minsan ay matigas ang ating mga ulo kaya sinusuway natin ang kanilang sinasabi at ginagawa ang ating gustong gawin. Maaaring dahil nais din natin na mayroon tayong mapatunayan at masasabi kong hindi naman iyon masama.

May mga pagkakataon naman kasi na sa takot ng mga magulang natin na mabigo tayo ay dini-discourage nila tayo. Gaya na lamang nu’ng panahong gustung-gusto ko talagang maging manunulat, inaawayan ng ama ko na magsulat lang ako dahil wala nga raw kita sa pagsusulat. At dahil sa gusto ko rin may mapatunayan o talagang matigas ang ulo ko ay ipinilit ko pa rin ang maging manunulat na sa ilang pagkakataon ay masasabi kong ito rin naman ang ikinabubuhay ko.

Hindi ko naman sinabing sundan mo ang katigasan ng ulo ko para may patunayan ka pero makabubuti kung tatantiyahin mo rin ang iyong sarili kung kaya mo ba o hindi. May pagkakataon kasing pinipilit mong gawin ang isang bagay kahit wala ka namang kakayahan. Ngunit, kung alam mong makakaya mo, patunayan mo.

At para mas suwertehin ka o magawa mong maabot talaga ang gusto mo, pag-aralan mong mabuti ang pagsusuot ng medyas. Sa maniwala ka o sa hindi, makapagbibigay ‘yan ng swerte at kamalasan sa’yo. Alam mo ba kung paano? Kapag daw laging ang kanang medyas ang uunahin mong isusuot ay susuwertehin ka sa lakad mo, Mamalasin ka naman daw sa’yong pupuntahan kung baligtad na medyas ang isusuot mo.

O. makakaya mo ba itong sundin?

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.