26.9 C
Manila
Monday, October 21, 2024

Ang Sigil Magic

        Isa ang Sigil sa pinakakaraniwang uri ng mahika na makikita natin sa modernong panahon. Ang Sigil Magic ay isang uri ng art o sining na gumagamit ng mga simbolo at imagery upang makamit ang isang specific intent o outcome. Ang mga pigurang makikita sa Sigil ay puno ng mahika mula sa taong gumawa nito, alinsunod sa bagay o intensiyon na nais niyang mangyari.

        Upang higit na maunawaan kung paano gumagana ang kapangyarihan ng Sigil, gagawin kong halimbawa ang mga brand logos ng mga kilalang komersiyo at establishment. Ang nakangiting mukha ng isang bubuyog sa logo ng Jollibee  ay isang napakagandang halimbawa ng kapangyarihan ng isang Sigil. Sa sandaling makita mo ang logo ng Jollibee, ang unang papasok sa isipan mo ay hamburger, spaghetti, french-fries, at soft drinks. Ikaw ay matatakam at makakaramdam ng gutom. Ganito ang epekto ng Sigil magic. Ito ay may epekto hindi lamang physiologically, kundi maging psychologically.

        Ang Sigil ay isang neutral magic. Ibig sabihin, ito ay hindi itim o puting salamangka. Ito ay tulad ng mga devices na gagamitin mo sa kanilang intended purposes.

        Lahat tayo ay maaaring makalikha ng sariling Sigil, depende sa ating intensiyon o hangarin na ibig maganap. Narito ang mga steps na dapat isaalang-alang sa paggawa ng sarili mong Sigil.

  1. Siguraduhin sa iyong sarili ang bagay na gustong i-manifest o mangyari. Maging very specific ka sa iyong intention. Isulat mo ang iyong hangarin sa isang simpleng pangungusap o parirala sa anyong pasidhi o marubdob.  Kung nais mong ma-attract ang suwerte, maaari mong isulat ang, “YAYAMAN AKO!”, o kaya ay, “MAGKAKAPERA AKO!”.
  • I-translate ang iyong intention into symbols. Maaaring tumingin sa astrology book ng mga katumbas na hugis o geometry ng bagay na nais mong mangyari. Kung nais mong magkapera at yumaman, maaari kang gumuhit ng bilog dahil ito ay katumbas ng wealth o kasaganaan.
  • Tanggalin lahat ng vowels o “patinig” sa iyong pangungusap at parirala at saka mo i-rumble ang mga letra upang makabuo ng isang salita. Sa “YAYAMAN AKO”, kapag tinanggal ang lahat ng patinig, ang matitirang mga letra ay “YYMN K”. I-rumble ang mga nalalabing letra sa parang gusto mo.  Sa unang tingin ay tila walang kabuluhan ang nabuong salita, ngunit ito ang magsisilbing “barcode”. Kumbaga sa isang produkto, ikaw lamang ang may kakayahang maka-scan ng code sa price tag. Ito ang hiwaga ng Sigil.
  • I-conceptualize mo na ang iyong Sigil. Maging creative sa paglikha ng iyong Sigil. Walang rules dito. Imagination is the limit. Maaaari kang gumuhit ng maraming geometric shapes na associated sa bagay na gusto mong mangyari. Kung ang intention mo ay yumaman at magkapera, maaari mong idagdag sa disenyo ng Sigil ang Peso o Dollor Sign, Clover Leaf, at iba pang wealth symbols. Makatutulong ang pagtingin sa mga astrology book upang makakuha ka ng iba pang ideya ng mga dibuho na maidadagdag mo sa iyong sigil.
  • Alamin ang materyales na gagamitin para sa pagguhit ng Sigil. Malaki ang kinalaman ng materyales na gagamitin sa pagbuhay o pagkarga ng iyong Sigil. May iba’t ibang medium na dapat gamitin sa Sigil, depende sa iyong intensiyon, at paraan kung paano mo ito bubuhayin.
  • Gumamit ng bato o kahoy sa pagguhit ng Sigil kung ang  iyong intention ay may kinalaman sa grounding, centering, nature, growth, life, creation, birth, fertility, health, the physical body, prosperity, money, savings, career, job, employment, business, maturity, age, boundaries, protection, home, family, trust, stability, reliability, practicality, strength, calm.  Ibaon ang bato o kahoy na may Sigil sa ilalim ng lupa pagkatapos.
  • Iguhit ang Sigil sa isang windchime at hayaan itong mahipan ng hangin kung ang iyong intention ay may kinalaman sa voice, speech, eloquence, communication, intellect, memory, knowledge, information, education, school, song, music, youth, freedom, astral travel, mental power, divination, spirituality, finding lost things, happiness, joy, laughter, fairies.
  • Iguhit sa isang kandila o papel ang iyong Sigil kung ang intention ay may kinalaman sa passion, desire, love, sex, sexuality, romance, protection (but with a kick), banishing, energy, inspiration, motivation, competition, athleticism, strength, empowerment,  ego, success, leadership, courage, bravery, anger, power, destruction, purification. Pagkatapos maiguhit ang Sigil, hayaang matunaw ang kandila o kaya ay sunugin ang papel sa apoy.
  • Iguhit sa isang bath soap o kaya ay bato ang iyong Sigil kung ang intention ay may kinalaman sa flexibility, change, adaptability, intuition, maturity, rebirth, renewal, mental health, emotions, sadness, dreams, sleep, psychic powers, travel, cleansing, beauty, appearance, healing, menstruation. Gamitin lagi ang bathsoap na may Sigil sa iyong paliligo hanggang sa ito ay maubos.
  • Iguhit sa isang papel ang Sigil kung ang intention ay may kinalaman sa clarity, understanding, finding, truth, sight, vision, learning, school, education divination, confidence, happiness, mental health, anti-depressant, beauty, clear skin, perfection, talent, glory, prosperity, friendship. Ang Sigil ay kailangang iguhit sa ilalim ng sikat ng araw.
  • Papel rin ang gagamitin kung ang intention mo ay may kinalaman sa  dreams, sleep, astral travel, clairvoyance, potential, prophecy, mystery, secrets, love, menstruation; ngunit ang iyong Sigil ay kailangang iguhit sa ilalim ng liwanag ng buwan.
  • Iguhit ang iyong Sigil sa kahit anong musical instrument kung ang intention ay may kinalaman sa sleep and dreams, love songs for relationships.
  • Kung ang intention ay may kinalaman sa confidence, anti-anxiety, self-love, self-harm, personal characteristics, anything personal, iguhit ang Sigil sa isang piraso ng papel habang pinapadaloy mo iyong masidhing emosyon sa iyong kamay habang gumuguhit ka.
  • Pagkatapos mong maiguhit at mabuhay ang Sigil, kalimutan mo na ito. Huwag mo nang pakaisipin ang ginawa mong Sigil. Kapag kasi lagi mong iniisip ang ginawa mo ng Sigil, makukulong lamang sa iyong utak at subsconcious o ang inyong intensiyon. Ngunit, kung ito ay papakawalan mo sa iyong isip, ito ay masasaganap ng universe na magbibigay enerhiya upang matupad ang iyong kahilingan.
Previous article
Next article

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.