Gusto mo bang malaman ang kahulugan ng iyong mga panaginip? Sa pagkakataong ito, hindi mo lang malalaman ang kahulugan ng iyong mga panaginip, ituturo ko pa sa’yo kung paano mag-interpret ng mga panaginip.
At sa sandaling natuklasan mo ang kahulugan ng iyong mga panaginip, ito ay magagamit mong gabay, hindi lamang sa pang-araw-araw mong pamumuhay, kundi magiging gabay mo rin ito upang makamit ang tinatawag na “inner self integration”, patungo sa isang mas matagumpay at mas maligayang pamumuhay.
Simulan na natin….
Si Sigmund Freud at ang Unconscious Self.
Sabi nga ng psychologist na si Sigmund Freud (1856-1939), “Dreams are the royal road to the unconscious.”
Pero ano ba ang ibig sabihin ng katagang ito ni Freud, at ano ba ang ibig sabihin ng “unconscious”?
Sa pagkakataong ito tuturuan ko muna kayo ng bahagyang asignatura sa kursong psychology. At kilalanin muna nating mabuti ang psychologist na si Sigmund Freud.
Si Sigmund Freud ay isang Austrian psychologist na kinilala bilang founding father of psychoanalysis.
Ang psychoanalysis ay isang sangay o isang sa mga school of thoughts sa psychology. Ito ay isang uri o paraan ng pang-gagamot sa isang tao na may problema sa pag-iisip o mental illness.
Kapag pinag-usapan ang psychoanalysis, laging kaakibat nito ang salitang “unconscious self’.
Ang “unconscious self” ang kadalasang “gising” sa panahong ang isang tao ay natutulog. Kung kaya’t si “unconscious self” ang pinagbibintangang responsable sa mga bagay na napapanaginipan ng isang tao.
Sa pamamagitan ng pag-interpret sa mga panaginip ayon kay Freud matutuklasan mo ang laman ng iyong “unconscious self.”
Saan nangagaling ang mga panaginip?
Kadalasan ang laman ng “unconscious self” na humuhulagpos sa’yong diwa sa panahong ikaw ay tulog at nananaginip ay ang mga sumusunod:
1. Unfulfilled conscious wish
2. Repressed drives,
3. Repressed feelings
4. Fears
5. Guilt
6. Anxieties and worries
7. At iba pa
Ang lahat ng ito, sa sandaling hindi naibulalas ng isang tao sa panahon ng “walking life” o kapag siya ay gising, ika nga’y kinulob o kinimkim mo ito sa kaibuturan ng iyong pagkatao o ng iyong damdamin, ito ay lalabas sa iyong mga panaginip o dili kaya ito ay magdudulot sa iyo ng mental illness.
Subalit sa kabilang banda, sa sandali namang naibulalas o naihayag ito ng isang tao, sa tama at saktong outlet, ang kanyang “unfulfilled conscious wish, repressed drives, repressed feelings, fears, guilt, anxieties and worries,” mawawalang kusa ang iniindang hinanakit at sama ng loob ng isang tao. At kung sobrang nababagabag ang isang tao, o sabihin na nating nagkaroon ng mild mental illness, kapag naibulalas mo sa tamang outlet ang mga negatibong damdaming ito, kusang mawawala ang mga alalahanin sa kanyang buhay, hanggang muling makabalik sa normal, kaaya-aya at maligayang pamumuhay ang isang tao.
At para kay Freud, pinaniniwalaan niyang karamihan sa mga “unfulfilled conscious wish, repressed drives, repressed feelings, fears, guilt, anxieties and worries,” ito ay may kaugnayan sa “sex or sexual fantasies”.
Hindi maibulalas ang mga kalibugang ito sa panahong gising ang isang tao, kaya naman ang mga pantasyang ito ay kusang lumalabas sa panaginip na nagkukubli sa pamamagitan ng mga simboliko.
At ang mga simbolikong ito sa panaginip ang isa-isa nating iinterpret sa susunod na mga araw.
Ang Lingam at ang Yoni
Subalit, bilang patikim o halimbawa, ayon kay Sigmund Freud ang lahat ng bagay na korteng patulis sa panaginip tulad ng baston, lapis, bolpen, kutsilyo, talong at mataas na tore at tuktok ng mga building ay tinatawag na “phallic symbol” puwede ding tawaging “lingam o linga” – ibig sabihin ay ang mismong penis ng lalaki.
Habang ang lahat ng mga bagay na korteng bilog at may butas na mamasa-masa, tulad ng bumubukang bulaklak, malapad na pinggan, arinola, inodoro, kuweba at iba pang butas