28.1 C
Manila
Saturday, October 12, 2024

ANG 16 SACRED HERBS PARA SA KASAGANAHAN, SUWERTE, MAINAM NA KALUSUGAN, AT PANGONTRA SA KULAM

Hindi lamang simpleng pampalasa ang mga herbs. Ang mga ito ay may magical properties na magagamit sa mga magic rituals tulad ng panghatak ng suwerte at kasaganahan sa buhay, sa mainam na kalusugan, at bilang proteksiyon sa kulam at iba pang itim na salamangka.

Sa Botany, ang herbs ay isang uri ng halaman na may malambot na stem o katawan. Sila ay may aromatic property at flavor na maaaring gamitin sa pagluluto. Ginagamit rin ang herbs sa paggawa ng mga herbal medicines.

Sa spiritual world, ang herb ay may magical value at bahagi ng tinatawag na “green witch’s practice”.  

Aking iisa-isahin ang 16 powerful herbs na maaaring magamit sa pagganap sa salamangka at rituwal.

1.   Allspice:  Kilala rin ito sa tawag na Jamaica pepper. Tinawag itong allspice dahil sa flavor nitong clove, cinnamon at pepper. Ginagamit ang allspice sa mga magic ritual na may kinalaman sa pag-attract ng pera at suwerte. Sangkap rin ito sa mga love potion at charm.

2.   Basil:  Itinuturing itong all-purpose magical herb sa culinary at magic. Ginagamit ito sa mga rituwal at spells para sa prosperity, success, peace, protection, happiness, purification, tranquility, at love. Upang makagawa ng lucky coin charm, maglagay  ng tatlong sariwang dahon ng basil sa isang mangkok kasama ng isang barya. Ibilad ito sa ilalim ng liwanag ng bilog na buwan. Itago ang barya kinabukasan. Ito na ang iyong lucky coin charm na suwerte sa sugal.

3.   Bay Leaf:  Ang dahon ng laurel ay nakaugnay sa success, wisdom, at divination. Isulat ang iyong kahilingan sa dahon at saka ito sunugin upang ito ay matupad. Kung may suliranin kang hindi mo mahanapan ng solusyon, maglagay ng ilang piraso ng tuyong dahon ng laurel sa ilalim ng iyong unan upang magkaroon ka ng divine dream. Isulat ang iyong katanungang masasagot ng oo at hindi sa tuyong dahon ng laurel at saka ito sunugin sa puting kandila. Kapag naging maningas ang apoy ng nasusunog na laurel at ito ay lumalagutok, ang sagot ay “oo”. Kung namamatay ang apoy at hindi lumalagutok, ang sagot ay “hindi”.

4.   Chamomile:  Kilala rin  sa tawag na manzanillla. Tugon ito sa stomach problems, headaches, at nerves tension dahil sa soothing effect nito. Sa magic, ito ay ginagamit para sa mga magic spells at rituals na may kinalaman sa prosperity, peace, healing, harmony, at happiness.

5.   Calendula:  Kilala ito sa Pilipinas bilang Pot Marigold. Ito ay ginagamit na gamot sa iba’t ibang skin irritations tulad ng eczema at galis. Ito ay may reputasyon sa magic bilang magic booster o enhancer.

6.    Cinnamon:  Itinuturing itong pinakamahalagang herbs hindi lamang sa culinary kundi lalo na sa magic. Nagtataglay ito ng great amount of energy, na sa kaunting budbod ng powder nito ay magagawa nang mapalakas ang kapangyarihan at epekto ng mahika. Ginagamit rin ang cinnamon sa mga spells at charms na may kinalaman sa pera. Ito rin ay magical herb para sa success, action, healing, protection, energy, love, prosperity, at purification.

7.   Caraway:   Ang buto ng caraway plant ay mainam gamitin na proteksiyon laban sa mga negatibong entity at enerhiya sa paligid. Nagsisilbi rin itong pangontra sa mga magnanakaw at may masamang tangka. Maaaring magtanim ng caraway plant sa harap ng bahay o sa gillid ng front door upang masala ang lahat ng negative vibes na papasok sa inyong tahanan. Ang herbs na ito ay nakaugnay rin sa health at mental abilities.

8.   Clove:   Ang pinatuyong usbong ng clove plant ay ginagamit sa pagluluto, pagbi-bake, at higit sa lahat, sa mahika. Sa magic, ang clove ay ginagamit bilang pamproteksiyon, paglilinis ng enerhiya, panggagamot, at pagpapalakas ng isipan. Maglagay ng isang platito ng pinatuyong usbong ng clover plant sa gitna ng bahay upang masala ang lahat ng negative energy at vibes. Bilang protection charm, pagsamasamahin ang rosemary, angelica, sage, tatlong usbong ng clove plant, at isang kurot ng asin sa loob ng isang pulang pouch o tela na tinalian ng pulang sinulid o ribbon. Isabit ang pouch sa front door para maitaboy ang malas at mga masasamang elemento papasok sa inyong tahanan.

9.   Ginger:  Mainam ilahok ang luya sa rituwal at spells dahil nagsisilbi itong booster o dagdag-lakas. Tulad ng enerhiya o kapangyarihang taglay ng cinnamon, ang isang maliit na hiwa ng luya ay sapat na upang mahatak ang suwerte sa trabaho. Ginagamit rin ang luya na pang-attract ng love, magandang kita at kapalaran. Sa medicine, ang pinagpakakuluan ng luya gamot sa ubo at nangangasim na sikmura.

10.  Mint: Ang pinakuluang dahon ng mint ay nakagagamot ng sakit ng ulo, nakatutulong upang maging magana sa pagkain, at mainam na panunaw.  Sa magic, maaari itong gamitin bilang pampaswerte sa pera. Maglagay ng pinatuyong dahon ng mint sa wallet upang matiyak na hindi ito mauubusan ng laman.

11.  Parsley: Ito ay nagtataglay ng magical properties para sa power, strength, lust, protection, at prosperity.

12.  Rosemary: Sa praktikal na kapakinabangan, ang rosemary ay ginagamit bilang skin tonic. Ang pinagpakuluan nito ay maaaring ipanghugas ng buhok upang ito ay maging shiny at dark, at matanggal ang mga balakubak.  Sa magic, ito ay para sa protection, wisdom, health, at healing. Nakatutulong rin ito para sa mainam na memorya.

13.  Sage: Ang sage ay magical herb for protection, purification, wisdom, health, at long life. Ang pag-inom ng pinakuluang sage ay tulong sa nangangasim na sikmura.  Nakapagpapakalma rin ito sa pakiramdam, mainam sa mga dumaranas ng anxiety.

14. Verbena: Isa itong all-purpose herb. Sa medisina, ang pinakuluang verbena ay gamot sa sakit ng ulo, pantanggal ng stress, at pampakalma ng mga nerves at muscles. Sa magic, ang verbena ay para sa divination, protection, inspiration, abundance, love, peace, tranquility, healing, prosperity, artistic performance enhancer, at pangontra sa kulam at barang. Maaari kang gumawa ng sarili mong verbena oil sa pamamagitan ng pagbababad ng dinikdik na dahon ng verbena sa olive oil o grape seed oil. Ito ang magiging blessing/protection oil.  Para maitaboy ang negative energy at maanyayahan ang positive vibes sa inyong tahanan, magdikdik ng ilang dahon ng verbena at saka ito ihagis sa bawat sulok ng bahay. Inihahalo o idinadagdag rin ang verbena leaves sa mga charm bag o magical pouches dahil ito ay magic booster o enhancer.

15. Moss: Ang lumot ay karaniwang natatagpuan sa mga basang lugar. Ito ay mabilis na tumubuto sa katawan ng puno, mga bato, o sa ibabaw ng tubig. Ang lumot ay itinuturing na survival plant. Ang katangiang ito ng lumot ang naging dahilan upang iugnay ito sa magic na may kinalaman sa perseverance, patience, nurturing, at grounding.

16. Ferns: Pako sa Filipino, ang herbs na ito ay ginagamit sa mga magic rituals na may kinalaman sa invisibility, love at chastity. Ginagamit rin ito bilang panlaban sa mga masasamang elemento sa paligid. Ang paglalagay ng isang paso ng pako sa gilid ng front door o bintana ay magsisilbi nang protection charm.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.