32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

9 SIMPLE TRICKS UPANG PATULUYIN ANG POSITIBONG ENERHIYA SA LOOB NG TAHANAN

Mahalaga ang uri ng enerhiyang pinapatuloy natin sa loob ng ating mga tahanan. Ang tahanan ay repleksiyon ng ating pagkatao. Kung ito ay puno ng negatibong enerhiya, asahan na ang buhay mo ay hindi magiging maganda at maginhawa.

        Ngunit, ano-ano nga ba ang mga dapat gawin upang mapuno ng positibong enerhiya ang inyong tahanan?

        Una, panatiling maaliwalas at maliwanag ang inyong tahanan. Mag-declutter. Alisin ang mga bagay na hindi naman sadyang kailangan at nakakasikip lamang. Gawing organisado ang mga kagamitan. Buksan ang mga bintana upang makapasok ang natural light at makapag-circulate na rin hangin sa loob ng bahay. Ang maaliwalas na tahanan ay nakagagaang ng kalooban ng mga taong naninirahan dito.

        Pangalawa, subukang gumamit ng mga essential oil. Napakalaki ng impact ng aroma mula sa essential oil sa total well-being ng kapaligiran. Maraming uri ng essential oil na mapagpipilian na magpapabango at magpu-purify na rin ng hangin sa loob ng bahay. May lavender, citrus, rose, citronella, rosemary, at iba pa. Pumili lamang ayon sa sariling kagustuhan.

        Pangatlo, maglagay ng mga buhay na halaman sa loob ng bahay. Malaki ang maitutulong ng mga indoor plant tulad ng snake plant at money plant upang ma-purify ang hangin sa loob. Ikonsidera rin ang feng shui principle sa pagpili ng mga indoor plant na ilalagay sa loob ng bahay. Isa sa general rule sa feng shui ay ang hindi paglalagay ng anumang halamang may tinik (maliban sa rosas) at bonsai sa loob ng bahay.

                Higit sa lahat, panatilihin ang pagkakasunduan sa loob ng tahanan. Iwasan ang bangayan, sigawan, at samaan ng loob. Ang mga ito ang numero unong source of negativeness sa loob ng isang tahanan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.