Kung nangangamba na ang iyong pondo ay kulang upang bigyan ng Valentine’s Day na hindi malilimutan ang minamahal, huwag mag-worry! Ang mga diamonds at five star meal ay hindi kailangan para sa isang makahulugang Valentine’s Day. At ang iyong mahal ay maaari din namang hindi gusto ang ganoong klase ng regalo o aktibidad! Ang mahalaga ay magkaroon kayo ng aktibidad na pareho kayong sasaya. Maaaring ipakita na pinahahalagahan mo siya sa pagpaplano nang hindi malilimutang mga karanasan at pagkakaroon ng mga maliit na aktibidad, at mahalaga kahit murang mga regalo.
Ipakita na Pinahahalagahan mo Siya
1. Kalimutan ang teknolohiya sa araw na iyon. Ibaba ang telepono at patayin ang TV habang kayo ay nagse-celebrate. Ilaan ang lahat ng iyong atensyon sa kanya sa pamamagitan nang hindi paggamit ng social media o anumang gadget sa inyong romantikong sandali.
2. Magkaroon ng makahulugang pag-uusap. Ang Valentine’s Day ay ang perpektong panahon upang magre-connect sa mga bagay na hindi na ninyo napag-uusapan. Pag-usapan ang inyong mga pangarap sa hinaharap, alalahanin ang mga masasayang sandali ninyo, at kumustahin sila sa kanilang buhay. Makinig nang mabuti, dahil maaaring may sinasabi silang mahalabang bagay tungkol sa kanilang sarili.
3. Sorpresahin ang iyong sweetheart sa paggawa ng gawain para sa kanila. Kung normal na sila ang gumagawa ng paglalaba, paghuhugas ng pinggan o paglilinis sa bahay, gawin ito para sa kanila. Magpapakita ito na iniisip mo sila at nais mong matulungan sila sa mga gawaing ito.
4. Magsabi ng “I love you”. Wala itong presyo pero napakahalaga nito. Huwag mahiya, sabihin ito nang malakas sa araw na iyon. Pahahalagahan nila ang iyong katapatan at mas magiging mahalaga ito kaysa anumang regalo.