25.2 C
Manila
Sunday, October 20, 2024

WHAT CHEMICALS ARE WE FEEDING OUR BODY? (MAKUKULAY NA LIKIDO AT IBA PA)

Nagkalat ang makukulay na pagkain sa paligid.  Matitingkad na kulay na bumibighani sa ating mga mata. Nakakaakit at nakakaengganyo para ating bilhin. Sadyang masaya at maganda sa pakiramdam ang mga kulay. Pero kung ipapasok natin sa ating katawan ang mga colorful stuffs na ito, medyo nakakaalarma yata. 

Tunay na nakakatakam na lasapin ang makulay na icing sa cake, ang makulay na doughnut, ang makulay na mga inumin at mga ice coolers at marami pang iba. Salamat sa artificial food coloring at ang dating malamyang presentasyon ng mga pagkain ay naging mas matingkad, makulay at nakaka-boost ng ating gana. Pero kahit minsan ba ay sumagi sa isip ninyo na parang nilahukan ng krayola o water color ang kinakain natin?

O sadyang naaakit kayo sa mga makukulay na pagkain at inumin na nakikita ninyo? Tama? Nakakaakit tingnan ang makukulay na pagkain kung kaya ang paggamit ng artificial food colors ay naging palasak para sa mga negosyante na may kinalaman sa pagkain. Pangkaraniwang ginagamit na ito sa cakes, pastries, liquid at powdered juice, icecream, candies, hotdogs at maging sa mga hilaw na pagkain na kagaya ng karne.

Yes, pati sariwang karne ay hindi nakaligtas sa artificial food color Kung namimili kayo ng manok, baka o baboy sa mga supermarkets, hindi ba ninyo napapansin na mapula ang tumatagas na sabaw? Aakalain mo na dugo iyon at mukhang sariwa dahil mapula ang likidong lumalabas sa laman. Pero kung pakakabusisiin mo, hindi dugo ang mapulang likidong iyon kungdi tubig na kinulayan ng pula. Sa palengke, mapapansin na ang ilan isda ay pinapahiran na rin ng pulang pampakulay para magmukhang sarilwa. 

Maging ang mga prutas ay hindi nakaligtas sa mga pangkulay na ito. Ang balat ng oranges at nilalagyan ng artificial color para patingkarin ang orange color nito at magmukhang kaakit-akit. 

Pero ang tanong, safe ba ang mga pangkulay na ito? Ating  alamin kung ano ba ang kemikal na ginagamit para mapaganda at mapakinang ang kulay ng mga fruit juice, candies, gulay, isda at karne at iba pa at ano ang masasamang resulta ng mga pag-aaral hinggil dito.

Ang nakaka-shocked na katotohanan: Isa sa ginagamit na kemikal ng mga food dye manufacturers ay ang petroleum based na kemikal na coal tar, a by products ng pinagsamang coke at petrolyo. Tama kayo ng nabasa, nagmumula ito sa petrolyo o krudo, Kasama sa pinaggamitan nito ang sweet meats,, seasonings, salad dressings at pickles. Ang non-food item na pinaggagamitan rin ng dye color na ito  ay  cream ointment para sa sakit sa balat na katulad ng psoriasis, shampoo para sa kuto, mga kosmetiko, pharmaceutical tablets at syrup.

 Sounds weird, di ba? 

Kung mag-iisip ka ng malalim, sumagi ba sa utak natin na ang mga ipinapakain natin sa ating mga anak at apo ay may dosis ng krudo o petrolyo? Sabihin man ng mga nakatuklas nito na ligtas na gamitin ang coal tar sa pormang pangkulay, mapapaisip ka pa rin. Ginagamit na panggamot sa sakit sa balat, sa shampoo, at sa petrolyo, tapos ipapakain sa tao?

At sino ang pangunahing mga kostumer ng food coloring? Ang mga bata, hindi ba? Dahil sila ang mga regular na tumatangkilik sa mga makukulay na pagkaing ibinibenta sa merkado. Kung gayon, kailangang maging mas maingat tayo pagpili ng mga pagkaing binibili natin para sa ating mga anak at sa atin na rin.  

Kahit na anong ganda sa paningin at kahit na gaanong katakam ang mga pagkaing nakikita natin, palagi nating isasaalang-alang ang risk factor na maaaring maidulot nito sa ating kalusugan. Hangga’t maaari, magbasa tayo ng label para alam natin kung ano ang mga lahok ng produktong ating binibili para mabigyan tayo ng babala sa kung ano ang nakatakda mong ipasok sa iyong sikmura. 

Maging wise. Huwag lahat binibili.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.