Para sayo, ano ang forgiveness?
Madali lang ba magpatawad o ito ay napakahirap?
Ang kapatawaran o forgiveness ay isang bagay na ginagawa natin sa kabila ng pait na nadulot sa atin ng isa o maraming tao. Hindi natin maitatanggi na mahirap itong gawin lalo na kapag naaalala natin ang mga ginawa sa atin. Pero kahit napakahirap, kailangan natin matutong magpatawad dahil isa itong uri ng pagmamahal na walang kondisyon.
Paano nga ba magpatawad ng taong nakasakit sayo?
Huwag kang mag-expect sa mundong ibabaw.
Madi-disappoint ka talaga sa mga tao. Walang taong perpekto. Kailangan mong isipin na kahit sino maaari kang masaktan, kahit pa napakabuti nila sa ibang aspeto ng buhay. Kahit ang matalik mong kaibigan ay masasaktan ka nang hindi niya sinasadya. Magkaroon ka ng puso at isipin na kahit pa anong mangyayari, may magkakasala at magkakasala sayo. Pag maintindihan mo ito, lalawak lalo ang pang-unawa mo sa mga tao.
- Tandaan mo na ang pagpapatawad ay mismong pagbitaw.
Sa pagpapatawad, hindi ka sumasang-ayon sa masamang nagawa ng tao sayo, kung hindi pinauubaya mo na sa Diyos ang pait na naibigay sayo. Kapag binitawan mo na ang galit at lungkot sa taong naka-sakit sayo, matututo ka ding hindi makapanakit ng ibang tao. Kapag nagpatawad ka, hinahayaan mo na rin ang Panginoon na mapatawad ka sa mga kasalanan mo.
- Sabihin mo ang nararamdaman mo sa taong nakasakit sayo.
Hindi tama kung ikaw ay magpapanggap na ang pagkakasala ay hindi kailanman nangyari. Sa Samuel 12:9-13, pinatawad ng Diyos si Haring David ng malubhang kasalanan, ngunit hindi niya sinasagip si David mula sa mga bunga ng kanyang mga aksyon. Sinabi pa nga ng Diyos ang mga kasalanan ni David upang maalala sila ngayon.
Huwag mong ilagay sa sitwasyon ang nakasakit sayo sa lugar na hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Kominakasyon ang sagot sa kahit anong problema. Maaaring alam nilang may mali silang nagawa, pero iba pa din na manggaling sayo ang tunay mong saloobin. Kapag hindi mo sinabi ang nararamdaman mo, baka maramdaman din nila na okay ka lang, kahit hindi. Huwag na kayong magkapaan. Hindi din sila makakahingi ng kapatawaran kung hindi nila alam na may dinadala ka na pala.
- Ipagdasal mo siya.
Sabi nga sa Biblia sa Luke 11:4, “Forgive us our sins, for we also forgive everyone who sins against us” Ibig sabihin nito ay lahat tayo ay may pagkukulang at hindi natin naiiwasan ang pagkakasala. Lahat tayo ay may nagawa, nasabi o naisip na nakasakit sa ating kapwa at sa Panginoon. Pero pinatawad Niya tayo. Kapag na-realize mo ito, matututo ka magpatawad.