Life begins at 40. Yan ang kasabihan na pinanghahawakan ng matatandang dalaga. Pa’no ba naman kasi, sa loob ng apatnapung taon ay hindi nila natagpuan ang kanilang prince charming. Pero hindi pa naman huli ang lahat. May mga paraan pa na pwede mong subukan kung isa ka sa naghahanap ng tunay na pag-ibig at kaligayahang hindi masusukat.
1. Kalimutan na ang nakaraan– May mga tao kasi na hindi maka-move on sa nakaraang relasyon kahit pa ilang taon na ang lumipas. Kaya naman sa mga posibleng pagkakataon na mami-meet na sana niya ang kanyang man of her dreams ay nauudlot dahil dala-dala niya ang bagahe ng kanyang mapait na kahapon.
2. Lumabas at makipagkilala- Ang pagmumukmok sa loob ng iyong bahay ay hindi magandang ideya kung ikaw ay naghahanap ng true love. Lumabas ka at makipagkilala sa maraming tao. Umattend ng mga parties at makipagbonding sa mga kaibigan sa mall. Malay mo makasalubong mo siya o makadaupang palad sa isang pagtitipon. Ikonsidera mo rin ang online dating.
3. Magbigay ng pagkakataon- Kung noong ikaw ay teenager pa lang, natural lang na magkaroon ka ng pamantayan sa lalaki na gusto mong maging boyfriend. Maaaring siya ay tall, dark and handsome. Pero bata ka pa noon at marami ka pang oras. Ngayon hindi ka na bumabata kaya huwag ka ng masyadong choosy, subukan mo namang bigyan ng pagkakataon ang lalaking nanliligaw sa’yo anuman ang kanyang hitsura at katangian. Kilalanin mo siya at baka may special something sa kanya na wala sa iba at siyang makakapagpasaya sa’yo.
4. Isipin mo na ang blind date ay ang iyong first date ever- Kung sasabihin mo na sa mga pelikula lang nagwowork ang isang blind date, nagkakamali ka. Marami na ang nagkatuluyan sa pakikipagblind date at malay mo ito rin ang mangyari sa’yo. Isipin mo na lang na ito ang iyong kauna-unahang date kung saan at kailan ka kinilig ng husto. Hindi lang naman restaurant ang pwedeng maging venue ng inyong blind date, maaari din sa kung saang lugar kayo komportable tulad ng pasyalan, sinehan o kaya naman ay sa isang sports venue.
5. Huwag masyadong magmadali- Kung ang natipuhan mong lalaki ay isang byudo, huwag kang masyadong magmadali na kilalanin ang kanyang mga anak o pamilya at kilalanin din niya ang sa’yo. Siya muna ang kilalanin mo ng husto. Kailangan mo munang masiguro sa sarili mo na siya na ang ‘the one’.
6. Hindi dapat mawala ang pagiging romantiko- Hindi porket nasa kuwarenta ka na eh hindi na bagay sa’yo ang magpa-sweet. Kailangan mo pa ring maging romantic at lalo na ang pagiging aktibo sa sex. Hindi maikakaila na isa ito sa mga mahahalagang aspeto ng isang relasyon.
7. Isang tao na mauuwian- Napakasarap sa pakiramdam na matapos ang nakakapagod na oras mo sa trabaho ay uuwi ka sa taong mahal mo na naghihintay sa’yong pagdating. Iyong ikaw mismo ang maghahanda ng hapunan nyo at magluluto rin para sa almusal. Ikaw rin ang in charge sa pag-aayos ng inyong mga gamit maging ng kanyang mga damit.
8. Makakatulong din ang pre-nup- Hindi naman sa pagiging negatibo pero hindi natin masasabi ang takbo ng ating buhay at ikot ng ating kapalaran kaya mas mabuti na rin ang may ganito kayong kasunduan bilang pagprotekta lang sa kapwa nyo pinaghirapan.
9. Pagpaplano para sa kasal- Ito ang pinakahihintay ninyong araw, ang inyong pagpapakasal. Pero kailangan ninyo itong planuhing mabuti at pagpasyahan ng kayong dalawa lang.
10. Isang masayang pag-ibig- Hindi lahat ay naniniwala sa fairytales. Subalit walang kasing sarap ang pakiramdam na ito kung pareho na kayong sigurado na ang isa’t-isa ang gusto ninyong makasama hanggang sa pagtanda. Yung pakiramdam na hindi mo kayang mabuhay ng wala siya at hindi rin niya kayang mabuhay ng wala ka.