27.1 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

Mga Conflict Sa Relationship Na Hindi Na Mareresolba

 Kapag pumasok ka sa isang relasyon, hindi ka nakakasiguro na 100% ay magiging smooth sailing ito. Darating at darating kayo sa punto na may mga bagay kayong pag-aawayan, mga sitwasyon na hindi pagkakaintindihan at mga aksyong hindi mauunawaan. Pero dahil nagmamahal ka, gagawa at gagawa ka ng paraan para ito ay maresolba. Paano kung hindi mo na kaya? Anu-ano nga ba ang mga conflict sa relationship na mahirap ng solusyunan o yung tipong pangbitaw na dahil hindi na kayang maresolba?

Narito ang mga conflict na maaaring pagdaanan ng inyong relasyon na kung hindi deeply ang pagmamahal nyo ay siguradong pipiliin nyo na lang na pakawalan ang isa’t-isa.

1.Kung ang kapareha mo ay nag-eenjoy pa na patuloy na nakadikit sa iyong mga in-laws at mga kamag-anak. Yung feeling single pa rin habang ikaw naman ay mas gustong maging dependent at gawing prayoridad ang iyong sariling pamilya sa lahat ng oras. Yung hindi ka na tatakbo sa mga magulang at in-laws hangga’t maaari.

2.Kung ang iyong kapareha ay isang extrovert habang ikaw naman ay introvert. Malamang lagi itong maging dahilan ng inyong pagtatalo kung may mga oras na gusto niyang lumabas para sa kanyang social life habang ikaw naman ay pipiliing manahimik sa bahay.

3.Mahirap din na kayo ay hindi magkasundo sa pera kung siya ay mas gustong gumastos kahit sa mga bagay na hindi nyo naman masyadong kailangan habang ikaw ay hindi na malaman ang gagawin kung papa’no pa makakapagtipid para palagi kayong may dudukutin sa bulsa lalo na sa oras na kailangan.

4.Kung  siya ay gusto ng magkaanak at makabuo kayo ng sariling pamilya,habang ikaw naman ay mas gusto munang paghandaan ang inyong future at kinabukasan na rin ng magiging anak nyo bago kayo bumuo ng sarili nyong pamilya.

5.Kung ang iyong kapareha ay masyadong active sa sex habang ikaw ay mas gusto lang ang cuddling. Sa mga ganitong sitwasyon nakakasingit ang pagtataksil at dito nagsisimula ang pinakamalaking senaryo na maaaring pagdaanan ng inyong relasyon na kung hindi agad mareresolba ay asahan ng mauuwi ito sa hiwalayan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.