29.5 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

Ang Limang Yugto ng  Relasyon

Bakit  nga ba may mga relasyon na nagtatagal at hindi nagtatagal? Dahil ba sa may mga couples na sadyang hindi nakatadhana o dahil sa 5 stages na pinagdaraanan ng isang relasyon na kinukulang lang sa pang-unawa? Kung hindi mo pa rin ito masyadong naiintindihan, narito at unawain mong mabuti ang limang yugto na ito ng pagsasama.

1.Romantikong Yugto. Ito ang pinaka-exciting na bahagi. Yung bago pa lang kayo nagsisimulang pumasok sa isang relasyon. Sweetness overload. Para kang adik sa isang tao na from time to time ay gusto mong makita at makasama. At kapag kasama mo na siya ay nagkukulay rosas ang paligid mo. Yung feeling na lahat ng nakikita mo sa paligid ay maganda at masaya.

2.Agawan ng Kapangyarihan. Hindi ito maiiwasan kapag pumasok na kayo sa 2nd stage ng inyong relasyon. Dito ay mararanasan nyo ang mga ilang pagtatalo kung sino ang dapat masunod at kung sino ang mas powerful sa inyong dalawa. Nangyayari ito kahit sa simpleng pagtatalo kung saan restaurant kayo dapat kumain, kung ano ang susuotin nyo sa isang okasyon, kung kaninong concert ang dapat ninyong panoorin at marami pang akala nyo ay maliliit lang na bagay.

3.Katatagan. Matapos ninyong ma-overcome ang power struggle na inyong pinagdaanan ay papasok na kayo sa yugto kung saan hahanap na kayo ng paraan para patatagin ang inyong relasyon. Hindi ito magagawa ng isa lang sa inyo. Kailangan ay magkasama kayo. Kayong dalawa. Ika nga, it takes two to tango. Pero ang pagpapatatag ng relasyon ay hindi nangyayari sa isang gabi lang. Ito ay nangangailangan ng kaukulang panahon. Kailangan ninyong maunawaan ang inyong mga pagkakaiba at pagkakapareho sa lahat ng aspeto.

4.Pangako. Kung sa tingin nyo ay matatag na ang inyong relasyon , ang kasunod na yugto na nito ay ang pangako nyo sa isa’t-isa. Ito na yung stage na kaya nyo ng magbitaw ng pangako at tuparin ito. Yung handa nyo ng tanggapin ang good and bad side ng bawat isa. Dito ay higit nyo ng nauunawaan ang ibig sabihin ng give and take sa relasyon. Sa stage na ito ay mararanasan nyo na ang magandang balanse ng inyong pagsasama.

5.Pagbuo ng Pangarap. Ito na ang pinakahuling yugto na magpapahaba at magpapatibay sa inyong relasyon. Sa stage na ito ng inyong pagsasama ay nalampasan nyo na ang mahihirap na part ng inyong relationship. Maaari nyo ng sabihin sa sarili nyo na para nga kayo sa isa’t-isa. Wala na kayong ibang iisipin at gagawin kundi ang mapabuti pa ang inyong pagsasama at panatilihin ang interes nyo sa mas malalim pang pagmamahalan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.