25.2 C
Manila
Sunday, October 20, 2024

5 Problema ng Relasyong Hindi naka-Sentro sa Diyos

Ang relasyon ay parang umaaninag na salamin; pinapakita nito ang mga parte ng sarili natin na hindi natin alam na nandoon pala. Kung mayroon mang isang paraan na magbubunyag ng mga bagay kung saan tayo dapat lumago, yun ay ang pagpasok sa isang relasyon sa isang tao. Ito man ay sa pagmamahal sa kaibigan, kamag-anak, o sa kasintahan, may magandang paraan upang tayo ay maging mas mature bilang tao. Walang perpektong relasyon, ngunit kung nakahinto lang sa pagiging immature, wala itong patutunguhan.

Sa article na ito, ipapakita ko ang mga problema ng isang relasyong hindi nakasentro sa Panginoon.

1. Pagsisinungaling (Lying)

Sabi sa 1 Corinthians 13:6, “Love does not delight in evil but rejoices with the truth.” Importante sa mag-asawa ang tiwala sa isa’t isa. Ang isang signales na nagmamahalan ang dalawa at naka-sentro sa Diyos ay ang pagiging totoo sa isa’t isa.

2. Kawalan ng Respeto (Disrespect)

Nakapanood ako noon ng isang reality show kung saan bastos makipag-usap ang babae sa kanyang asawa. Ikinumpisal niya na masyado na daw matagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa kaya wala na siyang oras para sa tamang pakikitungo at respeto. Mali ang babaeng ito dahil kahit ilang taon pa ang kanilang kasal, mas lalo dapat ang respeto nila sa isa’t isa, lalo’t dahil kilala na nila ang bawat isa ng lubos.

Sabi sa 1 Peter 2:17, “Show proper respect to everyone, love the family of believers, fear God, honor the emperor.”

3. Kompetisyon (Competition)

Kung tingin mo ay nabubuhay ka para maging mas magaling sa asawa mo, dapat ay mag-isip isip ka na. Ang buhay ay hindi tungkol sa kompetisyon, kung hindi ang pagpapala sa pangalan ni Hesus. Dapat ay nabubuhay ka upang suportahan ang asawa mo sa lahat ng tagumpay niya sa buhay. Kung hindi ka niya maasahan sa maliliit na tagumpay, paano sa malalaki niyang tagumpay?

4. Pag-uungkat ng Nakaraan (Bringing up the past)

Ang isang relasyon kung saan lahat ng nakaraan ay nauungkat ay immature. Kapag mapagtanim ka ng galit hindi lang sa asawa mo, pati sa kapwa mo, hindi ka yayabong sa pagmamahal mo. Nangangahulugan lang ito na wala kang tiwala sa Diyos na kaya niyang baguhin ang lahat ng pagkakamali sa magagandang pangyayari. Kung paano mo mahalin ang asawa mo ay repleksyon ng tiwala mo sa Diyos.

5. Hindi Pag-Resolba sa mga Problema (Not Addressing Problems)

Kapag nagkaka-problema kayong mag-asawa, dapat ay resolbahin niyo agad. Hindi uubra ang pagtatampo mo buong araw, dahil maraming mas importanteng bagay sa mundo. Kung mananatili kang mapag-imbot sa pagmamahal, immature ka talaga. Para umunlad kayo bilang mag-asawa, matuto kayong mag-usap mag-asawa, lalo sa mga komplikadong usapin.

Previous article
Next article

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.