30.5 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

MGA BENEPISYO NG PECHAY

Ang pechay ay isa sa pinaka-paboritong kainin ng mga Pilipino. Inilalahok ito sa nilaga, ginigisa, ginagataan at marami pang ibang luto na kinagigiliwang kainin ng karamihan.

May iba’t-ibang uri ng pechay na mabibili rito sa ating bansa katulad ng bok choy, pechay baguio at chinese cabbage. Katulad ng ibang green leafy vegetables, ang pechay ay may kakayahang magpalakas ng resistensiyan ng katawan para malabanan ang mga malalalang sakit. Ang pagkain nito at ng iba pang madahong gulay sa araw-araw ay makakatulong para mapalakas ang ating immune system at at mabantayan ang ang pag-atake ng malalalang sakit na katulad ng kanser.

Ang pechay ay nabibilang sa cruciferous vegetables, na kilala sa pagiging mababa sa calorie, masustansiya at may hatid na benepisyo kung mapapasama sa ating daily diet. Ang pagkain nito araw-araw ay magiging isang pagpapala sa katawan ng tao dahil sa dami ng benepisyong ating makakamit. Alam ba ninyo kung anu-ano ang mga benepisyong ito? Ating busisiin:

· Nakakatulong pampapayat dahil ang isang tasa nito ay wala pang 13 calories at mahibla (fibrous) kaya madaling makabusog. Low carb vegetable ito kung kaya pwedeng kainin hanggang gusto nang hindi mag-aala na tumaba.

· Nakakadagdag ng enerhiya dahil sa taglay nitong protina at tumutulong rin ayusin ang mga nasirang body tissue.

· Nagtataglay rin ng potassium, isang mineral na mahalaga sa muscle control, pagre-regulate ng blood pressure para makaiwas sa hypertension

· May taglay na Vitamin K at calcium para sa matibay na buto, phosporus para sa development ng mga buto at magandang takbo ng panunaw, at nakakatulong rin na maisaayos kung may hormonal imbalance.

· May taglay na Vitamin A na mabuti para sa mga mata

· Ang iron na makukuha rito ay nakakatulong para mapadaloy ng maayos ang oxygen sa dugo

· May Magnesium at Zinc na nakakalakas ng immune system laban sa mga sakit at nakakatulong na makatulog ng maaga para sa mga insomniac.

· May Vitamin C an Vitamin E na nakakakinang ng kutis at mayaman sa anti-oxidants na makabubuti para labanan ang mga free radicals sa ating katawan. Nakakatulong rin ito para mapanatili ang collagen, na siyang dahilan kung bakit firm ang ating balat.

· Makakabuti sa mga nagdadalang-tao dahil sa taglay nitong folate na makakatulong sa development ng bata sa sinapupunan.

· Mag taglay rin itong selenium na tumutulong para mapaglabanan ang cancer-causing agents sa katawan at para mabawasan ang pagtubo ng mga cancer cells.

· Mahusay rin panlaban sa konstipasyon o mahirap na pagdumi dahil sa ito ay isang mahibla o fibrous na gulay. Makakatulong rin ito para makaiwas sa colocteral cancer.

· Makabubuti rin para sa malusog na puso dahil iwas cholesterol kapag ito ang kinain.

Ang pechay ay madaling itanim at kahit sa bakuran lamang ay pwedeng magpatubo nito.

May mga pag-aaral na nagsasabi na ang mga taong palakain ng cruciferous vegetables na katulad ng pechay ay may mababang panganib na magkakasakit ng lung, prostate at colon cancer dahil sa anti-cancer properties na taglay nito.

Subalit…

Warning: Huwag sosobrahan ang kain ng madahong gulay na kabilang sa cruciferous na tulad ng pechay kung kayo ay umiinom ng blood thinners. Nakakasama ang sobrang Vitamin K sa mga taong may maintenance na may kinalaman sa puso. PORTION CONTROL pa rin po ang ating dapat na paiiralin. Ang isang tasang pechay, kasama sa inyong pang-araw-araw na pagkain ay magdudulot ng maraming health benefits.

Salamat po sa pagbabasa!

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.