24.7 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

NATURAL NA PARAAN PARA MAPAKAPAL ANG BUHOK

Ang buhok ay tinatawag na ating crown of glory. Malaki ang naggawa nito sa ating pisikal na anyo. Kaya’t ang pagkalugas ng buhok ay isang malaking kabawasan sa ikagaganda ng pisikal na anyo ng tao.

Halos lahat ng tao ay isinilang na may makapal na buhok.Subalit nakakabahala kapag ang ating mga buhok at nagsisimula nang numipis. Ang pagtanda ay isa sa pinaka-valid na dahilan kung bakit nababawasan ang ating buhok. Posibleng dahilan rin ang kakulangan  sa nutrisyon, sobrang gamit ng mga komersiyal na produkto para sa buhok, reaksiyon ng kemikal at pagkakasakit. 

Pero alam ba ninyo na may mga natural na paraan para magmukhang makapal ang ating buhok? At makikita natin ang mga ito sa ating kusina. 

1.    OLIVE OIL /OLIVE OIL WITH HONEY

Initin ng kaunti ang olive oil at imasahe sa anit at buhok at hayaan ng 30 hanggang 45 minuto. Banlawan gamit ang mild shampoo. 

Ang olive oil ay mayaman sa omega 3 at iba pang sustansiya na nakakatulong para sa kabuuang kalusugan ng katawan, kasama na ang buhok. Nakakatulong rin ito sa pagpapalambot ng buhok at para maiwasan ang pagkatuyo ng anit.

2.    ITLOG

Magbati ng isa o dalawang itlog, base sa haba at kapal ng buhok. Ipahid sa anit at buhok at hayaan ng 30 minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig at mild shampoo pagkatapos.

Pwede ring lahukan ng isang kutsarang olive oil at dalawang kutsarang tubig ang itlog at saka imasahe sa anit ng buhok at gayahin ang insturction s itaas. 

Kung gagamitin ng regular, makakatulong ang itlog para magmukhang makapal ang buhok. Mataas ito sa protina na mahalaga sa kalusugan ng buhok. 

3.    WASTONG NUTRISYON

Isama sa ating pang-araw-araw na pagkain ang mga sumusunod para mapanating malusog ang ating buhok.

  • itlog at salmon na mayaman sa omega3, iron at fatty acids na mabuti sa buhok.
  • Nuts na katulad ng almonds, walnuts at iba pang nuts na mayaman sa fatty acids.
  • Greek yogurt na mayaman sa protina
  • Green, black, pinto at iba pang beans na mayaman rin sa protina.

Mapapansin na puro protein rich food ang ang ipinapakain para sa tamang nutrisyon ng buhok sapagkat ang protina ay isang pangunahing nutrisyon na kailangan ng ating mga buhok.

4.    KATAS NG SIBUYAS

Magkatas ng sibuyas sa pamamagitan ng blender o pamiga at ipahid sa anit. Para maiwasan ang matapang na amoy ng sibuyas, lagyan ito ng essential oil. Hayaan ng 30 minuto. Gawin ng dalawang beses isang linggo.

Bagma’t wala pang matibay na ebidensiya ng pag-aaral hinggil sa nagagawa ng sibuyas sa pagpigil ng pagkalugas ng buhok, may eksperimento nang naisagawa sa mga taong may sakit na alopecia. 80% ng mga participants ay tinubuan ng buhok. 

5.    PURONG KATAS NG ORANGES

I-blender ang isang orange hanggang maging puree at saka imasahe sa buhok at anit. Hayaan ng isang oras bago banlawan. Gumami ng kaunting hair conditioner kung nais.

Ang taglay nitong Vitamin C, perctin at acid ay nakakakintab ng buhok at iwas buhol. 

6.    Avocado

Durugin ang abocado at lagyan ng isang kutsarang olive oil. Imasahe sa buhok at hayaan ng 30 minuto. Banlawan pagkatapos gamit ang mild shampoo.

Nagtataglay ng Bitamina E ang avocado at magandang mosturizer para sa buhok.

7.    Aloe Vera gel

Ipahid ang natural aloe vera gel sa anit at hayaan ng        30 minuto bago banlawan. Maari itong haluan ng ngis ng niyog o castor oil para sa mas makabubuting benepisyo.

Ang aloe vera ay mahusay sa balat, anit at buhok. Makakatulong ito para mapalago at mapakapal ang buhok.

8.    COCONUT OIL AT CASTOR OIL

Ipahid nang mainit-init sa anit at imasahe. Hayaan ng 30 minuto. Pinaniniwalaang nakakatubo at nakakaganda ng buhok sa natural na paraan. PAALALA:  Kung mangati ang anit sa paggamit ng isa man sa mga walong nabanggit na pampakapal ng buhok, kaagad tigilan ang paggamit. Maaaring sensitibo ang ibang anit sa mga ganitong bagay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.