Ang ventosa o cupping therapy ay form ng alternative medicine na gumagamit ng cups na inilalagay sa balat para mag-suction. Ang mga sumusunod na materyal ang ginagamit sa ventosa therapy.
-glass
-bamboo
-earthenware
Naniniwala ang mga supporters ng cupping therapy na ang pagsipsip ng cups ay nakakatulong sa pagmo-mobilize ng blood flow na nakakapag-promote ng paggaling ng malawak na range ng medical ailments.
Ang cupping therapy ay nagsimula noong ancient Egyptian, Chinese at Middle Eastern cultures. Ang isa sa oldest medical textbooks sa mundo, ang Ebers Papyrus ay nagde-describe kung paano ang ancient Egyptians ay gumagamit ng cupping therapy noong 1,550 B.C.
Pero ayon sa 2012 study na na-publish sa journal PLoS ONE, isina-suggest na ang cupping therapy ay maaaring mayroon pang higit sa placebo effect. Ini-review ng mga Australian at Chinese researchers ang 135 studies sa cupping therapy na napublish sa pagitan ng 1992 hanggang 2010. Ikinonclude na ang cupping therapy ay maaaring maging epektibo kung iko-combine sa ibang treatments tulad ng acupuncture o medications sa paggamot sa mga sumusunod na kondisyon:
-Herpes zoster
-acne
-facial paralysis
-cervical spondylosis
TYPES NG CUPPING THERAPY:
Ang mga types ng cupping therapy ay ang mga sumusunod:
-dry cupping (suction only)
-wet cupping (kombinasyon ng suction at controlled medicinal bleeding)
Sa parehong types ng cupping, ang mga flammable substances tulad ng alcohol, herbs at papel ay inilalagay sa cup at inaapuyan. Kapag nawala na ang apoy, inbinabaligtad ang cup sa likuran ng pasyente.
Habang lumalamig ang hangin sa loob ng cup, gumagawa ito ng vacuum. Ito ang dahilan kung bakit umaangat ang balat at namumula habang nage-expand ang blood vessels. Iniiwan ang cup sa loob ng lima hanggang sampung minuto.
Ang mas modernong version ng cupping ay ang paggamit ng rubber pump para lumikha ng vacuum sa loob ng cup. Minsan gumagamit ang mga practitioners ng medical-grade silicone cups. Maaari itong igalaw-galaw sa balat para makapag-produce ng massage-like effect.
BENEFITS NG CUPPING THERAPY:
Ayon sa British Cupping Therapy nakakatulong itong gumamot ng mga variety ng conditions tulad ng:
-Blood disorders tulad ng anemia at hemophilia
-Rheumatic diseases tulad ng arthritis at fibromyalgia
-Fertility at gynecological disorders
-Skin problems tulad ng eczema at acne
-High blood pressure (hypertension)
-Migraine
-Anxiety and depression
-Bronchial congestion dulot ng allergies at asthma
-varicose veins
Naniniwala rin ang supporters ng cupping therapy na nakakatulong ito sa pagre-reduce ng pain at inflammation sa buong katawan. Nakaka-promote din ito ng mental and physical relaxation and well-being. Inaalis din ng cupping ang mga harmful substances at toxins sa katawan na nakakapag-promote ng healing. Pero hindi pa ito napapatunayan.
Ayon sa British Cupping Society ang cupping therapy ay dapat iwasan ng mga sumusunod na grupo:
-pregnant or menstruating women
-mga taong may metastatic cancer (kumalat na ang cancer sa iba’t ibang bahagi ng katawan)
-mga taong may bone fractures o muscle spasms
SIDE EFFECTS:
Ligtas ang cupping kung pupunta ka sa isang trained health professional. Pero maaari pa ring magkaroon ng mga sumusunod na side effects sa area kung saan dumikit ang cups:
-bahagyang kakulangan sa ginhawa
-pasa
-paso
-impeksyon sa balat