Sa mga araw ng Sabado at Linggo, maraming oras ang ginugol sa panonood ng paborito nilang mga palabas sa telebisyon at paglalaro ng kanilang paborito’ng computer games. Ngunit naisip ba natin na ang kanilang labis na pagkahilig sa mga libangang ito ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng sobrang timbang o obesity?
Panganib ng Obesity sa mga Kabataan
Sa mga nakalipas na sampung taon, patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong sobra sa timbang mula sa iba’t ibang bansa, kaya’t tinatawag itong “pandemya” ng World Health Organization (WHO). Noong una, iniisip ng marami na ang obesity ay dulot lamang ng kakulangan sa pagkontrol sa pagkain at kakulangan sa ehersisyo. Ngunit ngayon, napansin ng mga doktor na ang obesity ay may iba’t ibang dahilan, maaaring sanhi nito ang genetic, environmental, at behavioral factors. Tinatayang mayroong 26% ng mga kabataang Pilipino, mula 2 hanggang 17 na taong gulang, ang itinuturing na obese.
Ayon sa mga pagsasaliksik ng mga dalubhasa, ang panonood ng telebisyon ay nauugnay sa obesity sa lahat ng edad ng mga kabataan (preschool-aged, school-aged, at adolescents). Karaniwang nagiging obese ang mga kabataan kapag mayroong telebisyon sa kanilang silid.
Ang obesity ay maaaring magdulot ng iba’t ibang komplikasyon:
Problema sa kalusugan ng isipan (katulad ng kawalan ng self-esteem at depression)
Problema sa paghinga (lalo na habang natutulog)
Problema sa mga kasukasuan at buto
Diabetes
Mataas na antas ng cholesterol
Problema sa atay at gall bladder
Mataas na presyon ng dugo
Stroke (lalo na sa mga adults)
Sakit sa puso (lalo na sa mga adults)
Posibleng magdulot ng kanser (lalo na sa mga adults)
Ang diagnosis ng obesity ay karaniwang batay sa pisikal na pagsusuri at sa kasaysayan ng pasyente, kabilang ang kanyang mga kinakain at aktibidad na pisikal. Tinatawag na “medically obese” ang isang tao kapag sobra na ang kanyang timbang. Ang body mass index (BMI) ay ginagamit upang sukatin ang obesity ng isang tao. Narito ang pormula:
BMI = timbang ng katawan (kg) / taas (m)
Halimbawa: Kung ang isang bata ay may timbang na 18 kg at may taas na 0.95 metro, ang kanyang BMI ay 19.9. May iba’t ibang karaniwang antas ng BMI para sa mga bata, depende sa kanilang edad at kasarian.
Kung mahalaga sa iyo ang timbang ng iyong anak, mahalaga na ipakonsulta ito sa isang doktor o propesyonal sa kalusugan. Ito ay ihahambing sa mga standard na growth chart upang malaman kung kinakailangan ba ang pagbabawas ng timbang.
Narito ang ilang mga tips para sa masustansyang pagkain:
Huwag kalimutang kumain (lalo na sa umaga).
Subukan ang mga prutas, gulay, whole grains, at protein (karne, mga produkto ng gatas, beans, itlog o nuts at buto) sa iyong pagkain.
Magplano ng mga pagkain mula almusal hanggang hapunan, pati na rin ang mga meryenda. Pumili ng masustansyang pagkain.
Bawasan ang bilang ng meryenda (1 hanggang 2 beses lamang sa isang araw). Piliin ang mga prutas at yogurt o keso, muffin o cereal at gatas, kalahating sandwich o crackers at keso.
Huwag bigyan ang mga bata ng kahit anong pagkain pagkatapos kumain (maliban sa isang prutas).
Siguruhing tama ang timpla ng gatas para sa iyong anak (2 hanggang 4 na bote lamang sa isang araw).
Ang ehersisyo ay mahalaga para sa pangangailangan ng katawan sa kaloriya. Ang mga kabataan (at mga adults) ay dapat mag-ehersisyo upang mapanatili ang kalusugan ng katawan, hindi lamang para sa pagbawas ng timbang.