Ang shortest IQ test na ito na aking ibabahagi dito sa Kapangyarihan ay mula pa sa University of Princeton. Ito ay mula sa konsepto ng psychologist na si Shane Frederick.
Ang shortest IQ test na ito ay naglalayong i-determina ang iyong abilidad na balewalain ang premonition at mag-isip ng mas mabagal sa higit na rasyonal na paraan. Upang mapatunayan ang ingenuity ng shortest IQ test na ito, kinakailangan mo lamang sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Tandaan na mahalaga rin ang speed sa pagsagot. Kapag mas mabilis mong nasagot ang bawat katanungan, mas higit na mas mataas ang iyong IQ level.
Game!
Question No. 1: May bulaklak sa isang lawa. Ang bilang ng bulaklak ay dumodoble kada araw. Kung kinakailangan ng 48 na araw upang matakpan ang buong lawa, gaano katagal ang kailangan upang matakpan ang kalahati ng lawa?
Question No. 2: Kung ang limang makina ay kinakailangan ng limang minuto upang makagawa ng limang laruan, ilang oras ang kakailanganin ng 100 makina para makagawa ng 100 laruan?
Narito ang sagot.
ANSWER NO. 1: 47 na araw. Maaaring ang sinagot mo ay 24 na araw. Ngunit, ang natatakpang surface ng lawa ay dumodoble kada araw. Samakatuwid, kalahati na nito ang natatakpan bago pa man ang araw na matakpan ang buong lawa.
ANSWER NO. 2: Limang minuto. Maaaring ang inyong instinct ay nagsabing 100 minuto. Ngunit kung iintindihing mabuti ang question, mapagtatanto na ang isang laruan ay nagagawa sa loob ng 5 minuto. Samakatuwid, ang 100 makina ay makagagawa ng 100 laruan sa loob ng limang minuto.
Na-enjoy ba ninyo ang ating IQ test? Gaano katagal ninyo bago nasagot ang bawat tanong? Tumpak ba ang inyong sagot? I-comment na ito!