32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 20, 2024

DAGA (RAT)

Isang mabilisang pagdedesisyon ang kakailanganin mong gawin. May mga tao na makakagulo sa kung ano ang dapat mong pagpasyahan kaya magkakaroon ka ng pagkalito kung sino ang dapat mong sundin. Sila o ikaw?

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

BAKA (OX)

Mawawalan ng saysay ang pakikipaglaban mo sa inyong relasyon dahil siya na mismo ang magpapasyang lumayo. Wala kang magagawa sa bagay na ito kundi tanggapin. Wala na ring magagawa ang iyong paghihintay.

Masuwerteng numero; 19,22,23,25

TIGRE (TIGER)

Kahit na mahirap para sa’yo ay pagbibigyan mo pa rin ang isang kaibigan. Ibibigay mo pa rin ang pabor na hinihingi niya. Ito ay dahil marami kang utang na loob sa kanya kaya hindi mo siya magagawang tanggihan.

Masuwerteng numero; 34,36,39,42

KUNEHO (RABBIT)

May kabigatan ang sitwasyon na iyong kakaharapin dahil hindi lamang ito basta kagipitan sa pera kundi nakasalalay din ang samahan ng inyong pamilya. Marami kang dapat gawin pero marami ka ring isasaalang-alang.

Masuwerteng numero; 30,38,44,45

DRAGON (DRAGON)

Kahit na isigaw mo pa ang iyong mga hinaing ay wala ring makakatugon sa’yo dahil sa kasalukuyan ang lahat ay humaharap sa kaparehong sitwasyon. Pinakamabisang sandata na ang pagdarasal at patuloy na pagtitiwala sa pag-asa

Masuwerteng  numero; 50,56,66,68

AHAS (SNAKE)

Makakagawa ka na sana ng paraan pero may hahadlang sa’yo kaya naman hindi mo maiiwasan ang hindi makaramdam ng pagkainis sa taong ito na hahadlang sa’yo. Pero wala kang magagawa kundi ang magngitngit sa isang sulok.

Masuwerteng numero; 17,19,21,22

KABAYO (HORSE)

Hindi magiging maayos ang usapan nyo ng isang tao dahil parehong mainit ang inyong ulo. Ang inyong pagdidiskusyon sa walang kwentang bagay ay mauuwi lamang sa biglaan at mainit na komprontasyon sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 14,15,17,19

TUPA (SHEEP)

Mananatili kang kalmado at positibo sa kabila ng mga hindi magandang kaganapan sa iyong paligid. Isang bagay lang ang mahalaga sa’yo at iyon ay ang kaligtasan ng iyong mga anak. Kaya ang isip mo ay nakatuon lang sa kung paano sila makaka-survive.

Masuwerteng numero; 10,13,14,15

UNGGOY (MONKEY)

Mababawasan ka ng oportunidad pero hindi ito magiging dahilan para mabawasan din an g iyong pag-asa. Sa halip ay mas magpapatatag pa ito sa’yo sa pagharap mo sa araw-araw na laban ng iyong buhay para sa pamilya.

Masuwerteng numero; 29,30,31,32

TANDANG (ROOSTER)

Isang tao na labis na nagmamahal sa’yo ang magiging sandalan mo ngayon sa iyong problema. Kaya naman ang lahat ay magiging madali at magaan para sa’yo dahil sa kanya. Siya ang magsisilbing solusyon mo.

Masuwerteng numero; 31,32,40,48

ASO (DOG)

Magiging masaya ang araw mo sa piling ng mga mahal mo sa buhay. Ang bonding nyo ay hindi magiging pangkaraniwan dahil gagawin nyo ang mga bagay na hindi nyo  pa nagagawa dati kaya naman magiging memorable ito.

Masuwerteng numero; 15,16,20,30

BABOY (PIG)

Sanay kang mag-isa kaya naman kahit nag-iisa ka ngayon ay walang mababago sa iyong daily routine. Hindi rin ikaw ang tipo ng tao na palalabas kaya hindi ka mahihirapang mag-adjust sa kasalukuyan mong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 60,65,66,68

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.