34.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Online Horoscope Oktubre 29, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ikaw ang masusunod ngayon. Kahit sino ang may ayaw sa gusto mo ay walang magagawa kundi ang lihim na umangal. Ang payo ay nagsasabing, ikonsidera mo ang nakakarami. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-24-29-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Ito ang araw na sisimulan mo ang pagiging matipid dahil hindi naman lingid sa iyong kaalaman na sa malapit na hinaharap ay marami kang obligasyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-24-28-38.

GEMINI (May 21-June 20) – Hanapin mo ang landas ng pagkakaisa at masayang pagsasama. Ang mga gusot at sigalot ay isasaayos mo ngayon. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-12-15-27-32-35.

CANCER (June 21-July 22) – Nasanay ka na sa paulit-ulit na pagkakamali ng isang tao. Pero dahil alam mo na siya ay ganu’n, hindi mo muna siya hihikayatin na ayusin ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-21-22-26-28.

LEO (July 23-Aug. 22) – Makokontrol mo ang sitwasyon ngayon. Ang payo ay nagsasabing, bigyang-halaga mo ang paraan na higit na pakikinabangan ng lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-17-25-31-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Angat ka ngayon kapag ikaw ang nanguna sa pagpapakita na kapag hindi natatakot sa hamon ng kapalaran ang tao, siya ay mabilis na aasenso sa buhay. Ito ang menshe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-23-24-27-30-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Ibalik mo ang dating inayawan mo. Ito ay ang hilig mo na marami ang kumokontra dahil akala nila ay naghahangad ka lang ng mga materyal na bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-22-27-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Huwag kang tumulad sa marami na nagbubulag-bulagan kapag nagkamali ang malalapit sa kanila. Hindi ka kunsintidor, kaya ang mali ay iyong ituwid kahit sino pa ang masaktan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-20-21-26-33-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Itutok mo ang lahat ng lakas at isip mo sa trabaho. Ang iba pang bagay ay huwag mong pansinin at ituring mo ang mga ito bilang tukso na sisira sa iyong konsentrasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-21-29-31-32-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Itutulak ka ng iyong sarili na gawin ang hindi mo kayang gawin sa nakaraan. Hindi mo ito magawa dahil ikaw ay mahina, kaya nangailangan ka ng pagtulak mula sa iyong nakatagong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-22-24-25-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Kahit abala ka sa iyong ginagawa, hindi mo maiiwasan na ang isip mo ay nasa malayo. Ito ay malinaw na palatandaan na ikaw ay pinag-a-abroad ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-17-19-20-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Huwag mong harapin nang mukhaan ang iyong mga kalaban. Mananalo ka kapag nagkunwari kang mahina. Sa ganitong paraan, lalabis ang tiwala nila sa kanilang sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-29-34-35-41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.