29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Horoscope Tsino Agosto 30, 2023

DAGA (RAT)

May bago kang matutuklasan na maaari mong pagkaabalahan. Ito ang magiging way mo para pansamantalang makalimutan ang mga problemang kinakaharap mo sa ngayon at magmumula ito sa internet.

Masuwerteng numero; 10,20,34,36

BAKA (OX)

Hindi pa ito ang tamang panahon para kalimutan mo ang mga bagay na matagal mo ng gustong gawin. Naguguluhan ka lang kaya masasabi mo sa sarili mo ngayon na wala ng pag-asa na mangyari pa ang mga ninanais mo.

Masuwerteng numero; 40,44,47,51

TIGRE (TIGER)

Ikakalungkot mo ang araw na ito na mawawala sa’yo ang trabaho na pinakaiingat-ingatan mo. sa ayaw mo man at sa gusto ay hindi mo makokontrol ang mga pangyayari at ang nakatataas sa’yo sa posisyon ang siyang masusunod.

Masuwerteng numero; 1,2,13,24

KUNEHO (RABBIT)

Sa araw na ito ay mas pipiliin mo na lang muna na magpahinga kaysa patuloy na makipagkompetensya.Maiisip mo na baka kailangan mo lang ng sapat na pahinga nang sa gayon ay makapag-isip ka ng mabuti.

Masuwerteng numero; 22,26,30,34

DRAGON (DRAGON)

Maganda ang magiging resulta ng naging pagpapasya mo tungkol sa inyong negosyo. Dahil dito ay magkakaroon ng malaking tiwala sa’yo ang iyong pamilya at malaki ang posibilidad na ikaw na talaga ang pamahalain dito.

Masuwerteng numero; 11,12,20,22

AHAS (SNAKE)

Ang proyektong ipinabahala sa’yo ng iyong boss ay mauudlot. Hindi mo agad ito magagawa dahil sa ilang problemang biglang susulpot. Magkagayon man ay hindi naman babawiin sa’yo ang proyektong ito at magagawa mo pa rin sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 6,8,9,10

KABAYO (HORSE)

Hindi ka lang sa budget kakapusin ngayon kundi maging sa oras para sa isang mahalagang okasyon. Gayunpaman, pipilitin mo pa rin na mairaos ito sa maayos at masayang paraan kahit na papa’no sa tulong ng mga mahal sa buhay.

Masuwerteng numero; 58,59,60,63

TUPA (SHEEP)

Magiging maayos ang araw na ito na inaasahan mong magiging magulo. Kakasihan ka ng kapalaran na makapagpahinga muna ang iyong puso’t isipan mula sa mga stress na ilang buwan ng nagpapagulo sa isip mo.

Masuwerteng numero; 77,78,80,82

UNGGOY (MONKEY)

May suwerte kang taglay ngayong araw na ito pagdating sa pakikipagsapalaran. Ibig sabihin, ang mga bagay na pinagdadalawahang isip mo ay maaari mo ng tanggapin ngayon at maaari ka na ring sumugal para rito.

Masuwerteng numero; 33,35,36,41

TANDANG (ROOSTER)

Hindi makakatulong sa’yo ang palaging pagdududa at pag-aalinlangan. Alam ito ng isang tao na malapit sa’yong puso kaya naman tutulungan ka niya na ma-over come mo ang iyong takot upang magawa ang nais mo.

Mauswerteng numero; 16,17,29,34

ASO (DOG)

Malapit ka sa disgrasya ngayon kaya iwasan ang paglabas ng bahay na hindi naman importante ang iyong pakay. Mas makakabuti na manatili sa loob ng tahanan  dahil mas ligtas ka rito sa anumang oras ngayon.

Masuwerteng numero; 5,7,8,19

BABOY (PIG)

Ang pagsunod mo sa payo ng nakatatanda ang siyang magliligtas sa’yo ngayon sa kapahamakan. Kaya ipagpapasalamat mo na hindi ka naging pasaway at nagpa-impluwensya sa sinasabi ng iilan lamang sa iyong paligid.

Masuwerteng numero; 42,57,59,66

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.