27.3 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG)Marso 17, 2024

DAGA (RAT)

Ang hirap na mararanasan mo ngayon ay higit pa sa inaasahan mo. Gayunpaman, may pagkakataon ka na malampasan ito kung ikaw ay makikipaglaban ng sabayan. May mga tao rin naman na aalalay sa’yong pagsubok.

Masuwerteng numero; 35,38,40,42

BAKA (OX)

Isang  bagong kapitbahay ang babago sa mood mo. Ang hindi magandang mood mo sa umaga ay mapapalitan ng saya at kilig dahil sa kanya. Kaya naman buong maghapon siyang magiging laman ng isip mo.

Masuwerteng numero; 10,11,13,24

TIGRE (TIGER)

Hindi mo na maibabalik ang paglipas ng oras kaya ang pagkakamaling nagawa ay hindi na maitatama sa kung paanong paraan mo ito gustong itama. Subalit meron ka pa namang ibang opsyon kung ikaw ay talagang nagsisisi.

Masuwerteng numero; 9,19,22,23

KUNEHO (RABBIT)

Maaalala mo sa isang kaibigan ang tao na naging dahilan ng kasiyahan mo at maging ng iyong kalungkutan. Dahil dito kaya pipiliin mo na pansamantalang dumistansya sa kaibigan mong ito dahil ayaw mong maalala ang nakaraan sa kanya.

Masuwerteng numero; 50,55,57,60

DRAGON (DRAGON)

Mauubos ang pasensya mo sa nakababatang miyembro ng pamilya. Palagi mo na siyang pinagpapasensyahan sa lahat ng mali niyang gawi subalit sa pagkakataong ito ay hindi ka na makakapagtimpi.

Masuwerteng numero; 17,27,28,33

AHAS (SNAKE)

Maiibsan ang kalungkutan mo sa araw na ito dahil sa isang tawag na matatanggap. Save by the bell ang tawag niya sa’yo kaya naman ang araw na nakakabato para sa’yo ay magkakaroon ng panandaliang kulay.

Masuwerteng numeor; 16,20,22,24

KABAYO (HORSE)

Mag-ingat sa mga taong makakasalamuha dahil meron sa kanila ang nagtataglay ng sakit na nakakahawa. Hindi mo ito mahahalata dahil kung titingnan siya ay sobrang active at napaka-fresh niya. Maging mapanuri.

Masuwerteng numero; 6,9,13,17

TUPA (SHEEP)

Malaki ang mawawala sa’yo kung ipagpipilitan mo ang gusto mong mangyari. Paminsan minsan ay matutong makinig sa mga mas nakatatanda dahil mas higit ang kanilang kaalaman tungkol sa bagay na ipinaglalaban mo.

Masuwerteng numero; 24,30,31,34

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka matitiis ng isang taong lihim na nagmamahal sa’yo. Kahit pa anong pigil niya sa tunay niyang nararamdaman ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan sa kanyang kilos at galaw ngayong araw at malinaw mo itong mararamdaman.

Masuwerteng numero; 8,9,10,11

TANDANG (ROOSTER)

Sa ayaw at sa gusto mo ay may isang mahalagang bagay kang maisasakripisyo alang-alang sa ikabubuti ng kalagayan ng isang mahal sa buhay. May mga lesson ka ring matututunan sa mga pangyayaring ito na mararanasan mo.

Masuwerteng numero; 12,13,20,21

ASO (DOG)

Pansamantala kayong magkakalayo ng iyong mahal dahil sa hindi magandang sitwasyon na nangyayari ngayon sa inyong paligid. Wala kayong ibang mapagpipilian. Ngayon nyo kakailanganin ang tiwala ng isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 7,9,11,12

BABOY (PIG)

Manalig ka lang at magtiwala ng buong puso sa Diyos. May ipapadala siyang tao na makakatulong sa problemang kinakaharap mo ngayon. Kumalma ka na at mag-isip ng pinakamainam na solusyon para sa iyong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 18,28,34,35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.