28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope (TAGALOG) Disyembre 28, 2023

DAGA (RAT)

Maganda ang bawat oras na lilipas sa umaga. Subalit bago matapos ang maghapon ay makakaranas ng stress dahil sa isang pasaway na miyembro ng pamilya. Ikaw lang ang makakagawa ng solusyon sa problemang ipapanhik niya.

Masuwerteng numero; 1,3,5,9

BAKA (OX)

Isang dating kaibigan ang kakatok ngayon sa inyong pintuan bitbit ang isang balita na may positibo at negatibong epekto sa inyong pamilya. Gayunpaman, pasasalamatan mo pa rin siya sa kanyang pagmamalasakit.

Masuwerteng numero; 13,15,20,22

TIGRE (TIGER)

Masasaid ang iyong pitaka sa araw na ito. Pero kahit maubusan ka na ng dudukutin sa bulsa ay hindi ka makakadama ng lungkot. Masaya ka sa kinapuntahan ng perang pinaghirapan mo dahil alam mong marami kang napangiting tao.

Masuwerteng numero; 42,45,55,58

KUNEHO (RABBIT)

Magiging masaya ang araw na ito dahil isang regalo ang matatanggap mo sa iyong mahal na hindi mo na inaasahan. Hindi man ito ang bagay na pinakaasam-asam mo ay labis mo itong ma-appreciate dahil galing sa kanya.

Masuwerteng numero; 19,21,22,30

DRAGON (DRAGON)

Ingatan ang kalusugan dahil malaki ang posibilidad na makaranas ka ng matinding pananakit ng tiyan. Ito ay dahil sa pagkaing makakain mo mula sa isang okasyon na dadaluhan. Kung hindi na kaya ng sikmura ay huwag ipagpilitan.

Masuwerteng numero; 36,38,40,41

AHAS (SNAKE)

Isang imbitasyon ang hindi mo madadaluhan dahil mahaharap ka sa isang kompromiso. Wala kang magagawa sa ayaw mo man at sa gusto. Kaya ang buong maghapon mo ay mapupuno ng stress at pag-aalala.

Masuwerteng numero; 25,28,33,40

KABAYO (HORSE)

Dadagsain ka ng mga kamag-anak sa araw na ito. Hindi mo alam kung ikakatuwa mo o hindi. Bagamat masaya na makita mo silang lahat ay alam mo din na kasabay nito ang pagkabutas ng iyong bulsa sa dami ng papaskuhan.

Masuwerteng numero; 18,22,24,37

TUPA (SHEEP)

Ang planong pagbibiyahe patungo sa malayong lugar ng isang malapit na kamag-anak ay muling maaantala sa ikalawang pagkakataon dahil sa isang aberya. Dapat lang na unahin lagi ang kaligtasan ng pamilya.

Masuwerteng numero; 27,42,45,50

UNGGOY (MONKEY)

Habang ang mga tao ay nasa gitna pa rin ng kanilang pagsasaya ay mananatili kang abala sa iyong trabaho. Marami kang kailangang tapusin na hindi mo maaaring ipagpabukas bukas at ipagsawalang bahala.

Masuwerteng numero; 50,58,65,69

TANDANG (ROOSTER)

Makakadaupang palad mo ang isang mahalagang tao sa isang okasyon. Napakaganda ng pagkakataon na ito para sa’yo kaya hindi mo magagawang palampasin. Magiging mahalaga ang bawat oras na lilipas sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 34,46,47,53

ASO (DOG)

Ang maliit na selos mo nitong mga nagdaang araw ay magagatungan pa ngayon. Kaya naman para kang bagang magniningas at makakagawa ka ng mga biglaang pagdedesisyon na may kinalaman sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 12,14,21,30

BABOY (PIG)

Kahit na ano pang iwas ang gawin mo ay kusang lalapit sa’yo ngayon ang tukso. Malinaw ang motibong ibibigay niya sa’yo at magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung dapat mo ba itong kagatin o huwag na lang pansinin.

Masuwerteng numero; 4,6,8,10

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.