25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 8, 2024

DAGA (RAT)

May mga kakailanganin kang ayusin ngayon sa trabaho na hindi mo pwedeng ipagpaliban. Kaya kahit pa may importante ka ring lakad sa labas ay wala kang magagawa kundi unahin kung ano ang mas mahalaga.

Masuwerteng numero; 13,25,30,31

BAKA (OX)

Hindi ka mauubusan ng budget sa araw na ito dahil may isang tao na sasagot sa ibang pangangailangan mo. Iwasan lamang ang pag-abuso dahil hindi siya laging nasa tabi mo para punan lagi ang iyong kakulangan.

Masuwerteng numero; 10,11,20,22

TIGRE (TIGER)

Ikaiirita mo ang makikitang closeness sa pagitan ng iyong karelasyon at ng iyong katrabaho. Hindi ka sanay na malapit siya sa iba kaya hindi mo maiiwasan na makaramdam ng selos. Magsisimula ka nang mangamba.

Masuwerteng numero; 16,22,32,34

KUNEHO (RABBIT)

May mga bagay na hindi mo na kailangan pilitin ang sarili mo na unawain. Kung patuloy mong uungkatin ang mga hindi na dapat ungkatin ay mas lalo ka lang malilito kaya mas makakabuti na ipagpatuloy mo na lang ang buhay na wala ito sa isip mo.

Masuwerteng numero; 6,8,9,10

DRAGON (DRAGON)

Aayon sa’yo ang kapalaran sa araw na ito. Nasa negosyo ngayon ang suwerte mo. Maganda ang magiging pasok sa’yo ng pera dahil sa mga kliyente mong may taglay ding suwerte. Ipagpatuloy ang magandang pakikitungo sa kanila.

Masuwerteng numero; 43,46,55,57

AHAS (SNAKE)

Ikakalungkot mo ang isang balitang matatanggap mula sa dating kaeskwela na nasa malayo na ngayon. Pero dahil may sarili ka ring problema na kinakaharap ay wala kang ibang magagawa kundi ang ipanalangin siya. Malaking tulong na rin ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 17,23,27,30

KABAYO (HORSE)

Mabibiktima ka ng ghosting. Pero hindi pa ito ang katapusan ng mundo at likas sa dugo mo ang katapangan kaya naman patuloy lang ang buhay kahit pa maging masakit ang mga susunod na araw para sa’yo.

Masuwerteng numero; 62,67,69,71

TUPA (SHEEP)

Dahil sa dumarami ninyong hindi pagkakaunawaan ay ikaw na mismo ang bibitaw. Pero hindi ito nangangahulugan na talagang ayaw mo na. Kakailanganin mo lang siyang bigyan ng espasyo para pareho kayong makapag-isip.

Masuwerteng numero; 39,40,43,50

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng kakulangan mo sa pera ay hindi pa rin nawawala sa isip mo ang planong pagtulong sa iba. Naghihintay ka lang ng magandang pagkakataon. Kaya naman ang biyaya ay darating sa’yo ng doble pa sa inaasahan mo.

Masuwerteng numero; 18,28,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Sa araw na ito ay matutuloy na ang pag-uusap na ilang beses naudlot sa pagitan ninyo ng iyong karelasyon. May mga katanungan na masasagot at meron ding hindi pagkakaunawaan na nakatakdang matuldukan.

Masuwerteng numero; 14,25,34,36

ASO (DOG)

Kung dati ay hindi mo pinapalampas ang mga komento ng inyong mga kapitbahay tungkol sa iyong personal na relasyon sa isang maling tao, ngayon ay ipagkikibit balikat mo na lang ito habang inaayos ang problema.

Masuwerteng numero; 6,9,10,13

BABOY (PIG)

Mahaharap sa pagsubok ang iyong pamilya. Pero hindi mo ito hahayaan na lumala pa kaya ngayon pa lang ay maghahanap ka na ng paraan para ito ay masolusyunan. Malaki ang tiwalang ibibigay sa’yo ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 16,17,33,42

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.