26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 7, 2024

DAGA (RAT)

Kahit pa sabihin mo sa iba na balewala lang sa’yo ang nangyayaring kompetisyon sa pagitan ninyong magkapatid ay hindi mo maitatanggi sa iyong sarili na labis ka nang naaapektuhan nito. Kakailanganin mo munang magpahinga sa laban na’to.

Masuwerteng numero; 15,19,20,25

BAKA (OX)

May magagawa ka para mapagtakpan ang pagkakamali ng isang kaibigan sa trabaho. Pero kakailanganin mo muna itong pag-isipan ng isandaang beses dahil nakasalalay dito ang reputasyon mo at magiging sitwasyon mo sa kumpanya.

Masuwerteng numero; 30,39,40,42

TIGRE (TIGER)

Ikaw ang magbibigay pag-asa sa isang kamag-anak na nakalugmok ngayon sa problema. Malaki ang tiwala niya sa’yo na may magagawa ka para makahanap ng solusyon. Dahil dito ay hindi maiiwasan na sumakit din ang ulo mo.

Masuwerteng numero; 12,20,26,33

KUNEHO (RABBIT)

Walang mababago sa mga nauna mo ng plano. Kahit pa kaliwa’t kanan ang magbibigay sa’yo ngayon ng kani-kanilang opinion at suggestion para solusyunan ang sitwasyon mo ay mananatili kang naninidigan sa sarili mong ideya.

Masuwerteng numero; 16,18,20,22

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka mapapakali sa pag-alis ng iyong mahal. Masyado kang maraming iniisip at inaalala tungkol sa kanyang pag-alis. Mapapanatag ka lamang kung makakabalik na siya ng ligtas na alam mo namang malayo pang mangyari.

Masuwerteng numero; 55,57,69,71

AHAS (SNAKE)

Hindi masamang magbakasakali. Palagi kang naniniwala sa iyong suwerte kaya naman ito ang matatamo mo. Sa kabila nito ay hindi lang maiiwasan na may mga taong maging daan para makasingit sa’yo ang kamalasan.

Masuwerteng numero; 18,24,34,45

KABAYO (HORSE)

Huwag agad maniwala sa mga nagpapanggap na kaibigan. Sa dami ng nakapaligid sa’yo ngayon dahil sa maganda mong kapalaran ay mahihirapan kang piliin ang tunay sa peke kaya galingan mo ang iyong pagkilatis.

Masuwerteng numero; 10,11,13,15

TUPA (SHEEP)

Ang biyayang inaasahan mo sa araw na ito ay hindi darating dahil sa ilang problema. Gayunpaman, hindi ito dahilan para mawalan ka ng pag-asa. Ipagpatuloy mo lang ang iyong pinagkakaabalahan sa ngayon at mapapasa’yo rin ang ninanais.

Masuwerteng numero; 5,7,8,9

UNGGOY (MONKEY)

Sa wakas ay mapapansin ka na rin ng taong matagal mo nang hinahangaan. Magiging apple of the eye ka niya ngayong araw at sa mga susunod pa dahil sa iyong angking talento. Kaya ipa-follow niya ang lahat ng iyong social media account na labis mong ikatutuwa.

Masuwerteng numero; 10,21,30,31

TANDANG (ROOSTER)

Ang bisitang hinihintay mo nung isang araw pa ay ngayon darating. Pero dahil sa biglaan ang kanyang pagdating ay hindi mo siya gaanong maiistima. Masyado kang abala sa trabaho hanggang sa bahay para mapagtuunan siya ng buong atensyon.

Masuwerteng numero; 16,17,28,29

ASO (DOG)

Hindi mo dapat pinapabayaan ang iyong sarili lalo na sa pagkain. Kakailanganin mong mag-isip ng ibang diet na hindi gaanong makakapagdulot ng hindi maganda sa iyong kalusugan. Maging maingat para sa ikabubuti ng katawan.

Masuwerteng numero; 16,17,23,32

BABOY (PIG)

Walang makakapigil sa’yo sa plano mong pagtatrabaho sa ibang bansa. pero hindi pa ito ang araw ng iyong suwerte para rito. Kakailanganin mo pa ring maghintay. May mga dokumento ka pang dapat ayusin.

Masuwerteng numero; 14,15,25,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.