26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 6, 2024

DAGA (RAT)

Hindi ka na maaapektuhan ng maririnig mo tungkol sa iyong nakaraan. Ayaw mo nang balikan ang bahaging ito ng iyong buhay kaya hindi mo na gugustuhin na isipin pa at magpaapekto sa anumang may kaugnayan dito.

Masuwerteng numero; 15,20,23,25

BAKA (OX)

Ikaw na mismo ang magvo-volunteer na tulungan ang isang dating kaibigan sa pinagdaraanan niya ngayon. Meron naman kayong pinagsamahan at ito ang iyong tinitingnan kaya bukal sa puso mo na magpaabot sa kanya ng tulong.

Masuwerteng numero; 48,49,52,54

TIGER (TIGER)

Hindi masasayang ang effort na ginagawa mo para sa ikabubuti ng iyong personal na relasyon. Sa araw na ito ay mare-realize rin ng iyong kapareha na meron kang dahilan kung anuman ang mga ginawa at gagawin mo pa para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 9,11,13,19

KUNEHO (RABBIT)

Kakailanganin mong magbawas ng mga bagay na nagbibigay ng kamalasan sa inyong tahanan. Ang halimbawa nito ay ang mga abubot na hindi mo na ginagamit. Mga bagay na pwede mo nang ilaan sa iba pero nananatili pa sa iyong pagtatago.

Masuwerteng numero; 27,34,36,40

DRAGON (DRAGON)

Isang matagal ng bagay na nawawala ang matatagpuan mo ngayong araw. Hindi mo alam kung ikatutuwa mo pa ito o magiging sanhi lang ng iyong panghihinayang. Mas makakabuti pa rin na itabi mo na lang muna ito sa isang safe na lugar.

Masuwerteng numero; 66,69,71,73

AHAS (SNAKE)

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung muli mong tatanggapin ang isang pag-ibig na magbabalik sa buhay mo. Kahit pa alam mo sa sarili na may natitira ka pang damdamin sa kanya ay marami ka na ring kailangang isaalang-alang bago magpasya.

Masuwerteng numero; 1,2,4,5

KABAYO (HORSE)

Hindi ito ang tamang araw para ipakita mo sa iyong kabiyak ang paghihimutok dahil sa isang pabor na hindi ka niya napagbigyan. May mas importanteng bagay kayong dapat na paglaanan ng panahon kaysa sa pagdaramdam.

Masuwerteng numero; 9,19,29,30

TUPA (SHEEP)

Hindi ka magpapahuli sa iyong mga kamag-anak pagdating sa tagisan ng diskarte sa buhay. Kaya naman sisikapin mo na mangibabaw ang magandang resulta ng diskarte mo kaysa sa kanila. Ipapakita mo ito sa isang patas na paraan.

Masuwerteng numero; 7,12,20,22

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka mabibigo na makamtan ang inaasam mo ngayong araw. Nasa tabi mo lang din ang iyong mahal at kasama mong nananalangin sa katuparan ng iyong mga pangarap kaya dapat lang na magpasalamat ka rin sa kanya.

Masuwerteng numero; 18,30,34,38

TANDANG (ROOSTER)

Sanay ka nang humarap sa mga pagsubok kaya naman ang problemang darating ngayong araw ay mamaniin mo na lang. Alam mo na kung paano mo ito iha-handle. Magiging handa ka rin sa anumang resulta nito.

Masuwerteng numero; 26,30,42,45

ASO (DOG)

Sa bilis ng paglipas ng oras ay hindi mo mamamalayan na marami ka na palang nagawa para sa araw na ito. Ang labis mong kaabalahan sa trabaho ang siyang magiging dahilan ng labis mong kapaguran. Deserve mo ang magpahinga.

Masuwerteng numero; 54,57,65,78

BABOY (PIG)

Ikakalungkot mo ang magiging resulta ng pagsusuri sa iyong kalusugan. Bagamat wala pang katiyakan ang hindi magandang resulta ay hindi mo pa rin maiiwasan ang hindi mangamba para sa iyong posibleng maging kalagayan.

Masuwerteng numero; 17,26,37,40

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.