33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 22, 2024

DAGA (RAT)

Masaya ang araw na ito para sa’yo. Kahit hindi mo pa nakukuha ang gusto mo ay malilibang ka naman sa pakikipagbonding sa iyong mga kaibigan. Marami kayong mapag-uusapan na interesanteng mga bagay para sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,19,20,21

BAKA (OX)

Yung akala mo ay labis kang malulungkot sa paglayo ng isang malapit na miyembro ng pamilya para magtrabaho.Sa halip ay magiging masaya ka sa nangyayari sa buhay niya. Hindi kalungkutan kundi kapanatagan ang madarama mo.

Masuwerteng numero; 36,38,39,40

TIGRE (TIGER)

Ito na ang tamang panahon para bigyan mo naman ng pansin ang iyong kalusugan. Ang pasulpot sulpot na pagsama ng iyong pakiramdam nitong mga nakaraang araw ay malalaman mo na ang dahilan at kasagutan.

Masuwerteng numero; 42,46,55,57

KUNEHO (RABBIT)

Ngayon mo mare-realize na hindi pa sapat ang mga ginawa mong effort para sa inyong relasyon. Nasa sa’yo ang desisyon kung ipagpapatuloy mo pa o bibitaw ka na. Ang araw na ito ay araw ng pagmumuni-muni para sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,26,33,37

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka handa sa isang malaking kaganapan ngayong araw kaya naman makakaramdam ka ng pagkalito kung ano ang dapat at tamang gawin. Kakailanganin mo ang tulong ng isang mapapagkatiwalaan para magdesisyon.

Masuwerteng numero; 10,11,13,14

AHAS (SNAKE)

Maaalala mo ang isang mahal sa buhay na matagal ng yumao dahil sa katauhan ng isang tao na makikilala mo ngayon. Mararamdaman mo na para siyang nagbalik. Magkahalong lungkot at saya ang babalot sa’yo.

Masuwerteng numero; 28,30,31,34

KABAYO (HORSE)

Isang imbitasyon ang matatanggap mo ngayong araw mula sa isang dating kaibigan. Ikakagulat mo ang imbitasyong ito dahil matagal na kayong walang komunikasyon at matagal mo na rin siyang hindi nakikita.

Masuwerteng numero; 17,19,22,23

TUPA (SHEEP)

Pera ang magbibigay sa’yo ng stress sa araw na ito. Dahil bilangin mo man ng paulit-ulit at balikan sa iyong isip ang mga pinagkagastusan ay hindi mo pa rin mapapaniwalaan na nakaubos ka ng malaking halaga sa walang kawawaang bagay.

Masuwerteng numero; 59,62,65,72

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo pa rin natututunan ang tamang pagma-manage ng oras kaya naman walang magbabago sa iyong daily routine. Tulad ng dati ay marami ka pa ring oras na maaaksaya at maghahabol ka pa rin ng oras para sa trabaho.

Masuwerteng numero; 14,20,24,25

TANDANG (ROOSTER)

Isang bagong kakilala ang magiging dahilan para makarating ka sa lugar na matagal mo nang gustong puntahan. Labis ang saya na iyong mararamdaman. Hindi mo ma-explain ang excitement sa pagtuntong sa lugar na ito.

Masuwerteng numero; 16,20,22,33

ASO (DOG)

Ang mga alaala ay kusang magbabalik sa muli ninyong pagtatagpo ng isang dating minahal. Makakaramdam ka ng konting kilig subalit alam mo na hindi mo ito dapat kunsintihin dahil kung anong meron kayo dati ay matagal ng nagwakas.

Masuwerteng numero; 63,64,77,79

BABOY (PIG)

Hindi mo na maibabalik kung ano ang nangyari na. Ang tanging magagawa mo na lang ay gumawa ng paraan para ang resulta nito ay hindi maging kasing sama tulad ng iyong inaasahan. Maghahanap ka ng way ngayon para mapagaang ito.

Masuwerteng numero; 25,28,30,35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.