32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 21, 2024

DAGA (RAT)

Ang pagmamadali mo ang siyang magpapahamak sa’yo. Kung sa tingin mo ay hindi pa sapat ang iyong nalalaman at ang iyong kakayahan ay ipaubaya na muna ang gawain sa may mas higit na kaalaman tungkol dito.

Masuwerteng numero; 12,25,26,32

BAKA (OX)

May mga importanteng gawain kang hindi matatapos ngayon. Ito ay dahil sa mababaling ang atensyon mo sa ibang bagay na hindi mo dapat pagkaabalahan. Mas makakabuti kung matututong magprayoridad kung ano ang dapat.

Masuwerteng numero; 6,11,13,24

TIGRE (TIGER)

Isang tao ang magtatraydor sa’yo sa araw na ito. Wala kang ideya sa dahilan ng kanyang magiging pagbaligtad pero wala ka ring magagawa sa kanyang desisyon. Dapat lang na maging malaking aral na ito sa iyo.

Masuwerteng numero; 17,28,30,31

KUNEHO (RABBIT)

Magkakaroon ng pagbabago sa relasyon nyo ng kasalukuyan mong kapareha. Ang magiging ugat nito ay pera. Dahil sa pera ay isang hindi pagkakaunawaan ang mamamagitan para magkaroon ng lamat ang inyong samahan.

Masuwerteng numero; 8,18,20,22

DRAGON (DRAGON)

Isang sulat ang matatanggap mo mula sa isang kamag-anak na nasa malayo. Hindi mo ito inaasahan gayundin ang nilalaman kaya naman ikakagulat mo talaga. Mapapaisip ka kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari.

Masuwerteng numero; 15,25,30,38

AHAS (SNAKE)

Mabait sa’yo ngayon ang kapalaran. Ang matagal mo ng kahilingan ay magkakaroon ngayon ng katuparan. Kaya ang buong araw ay magiging maaliwalas at panatag para sa’yo at sa lahat ng mahal mo sa buhay.

Masuwerteng numero; 60,62,64,67

KABAYO (HORSE)

Sa kabila ng mga pailang-ilang hadlang sa pagsasama nyo ngayon ay magiging masaya pa rin ang araw na ito para sa bonding nyo ng iyong mahal. Wala kayong ibang pakikinggan kundi ang isa’t-isa. Masayang lilipas ang maghapon.

Masuwerteng numero; 13,14,35,40

TUPA (SHEEP)

Kahit pa anong sabihin ng iba ay makukuntento ka na sa kung ano ang kayang ibigay sa’yo ng iyong mahal sa ngayon. Mas importante sa’yo ang pagmamahalan nyo kaysa sa anupamang materyal na bagay.

Masuwerteng numero; 11,16,33,39

UNGGOY (MONKEY)

Maraming mag-aalala sa’yo para sa’yong kalusugan. Kaya naman matutong makinig sa mga payo. Kailangan mong magpa-check up sa ayaw at sa gusto mo kung gusto mo na mabigyan din ng kapanatagan ang mga tao na nag-aalala para sa’yo.

Masuwerteng numero; 52,57,61,66

TANDANG (ROOSTER)

Iwasan mong makihalubilo sa mga tao na hindi mo pa gaanong kilala. Kung ipagpapatuloy mo ang ganitong gawain ay maaari kang mapalapit sa kapahamakan. Malaki ang posibilidad na ikaw ay maloko o maisahan.

Masuwerteng numero; 7,9,10,11

ASO (DOG)

Makikita mong muli ang iyong ex. Hindi mo maiiwasan na hindi maging komportable dahil hindi maganda ang pagsasara ng inyong love story kaya naman awkward kang makita siyang muli at makasama sa isang event.

Masuwerteng numero; 48,49,51,61

BABOY (PIG)

Haharap ka ngayon sa isang malaking pagsubok pero hindi ka iiwan ng iyong pamilya. Lalaban kang kasama sila. Sadyang magiging madilim lang ang araw na ito para sa’yo subalit mananatili kang matatag sa kabila ng lahat.

Masuwerteng numero; 20,22,25,34

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.