26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 2, 2024

DAGA (RAT)

Hindi ka magiging apektado kahit pa kaliwa’t kanan ang marinig mong balita tungkol sa iyong nakaraang pag-ibig. Para sa’yo ang ex ay ex na at wala na ito dapat lugar sa iyong buhay. Hindi na rin dapat isipin at bigyan ng atensyon.

Masuwerteng numero; 11,12,18,20

BAKA (OX)

Isang maliit na problema ang darating sa’yo ngayon. Dahil sa inaakala mong maliit lang ito kaya hindi mo ito gaanong mapapansin. Subalit ang problemang ito ay may posibilidad na lumaki at magbigay ng stress sa’yo.

Masuwerteng numero; 25,32,33,40

TIGRE (TIGER)

Mawawala ang interes mo sa isang tao na labis mong hinahangaan dahil sa negatibong ugali na makikita mo sa kanya. Kaya kahit ano pa ang kagalingan na makita mo sa kanya sa hinaharap ay tatatak na sa isip mo ang makikita mo ngayon.

Masuwerteng numero; 42,47,54,58

KUNEHO (RABBIT)

May bago kang madidiskubre sa iyong sarili. May kinalaman ito sa talentong matagal mo nang nais gawin pero hindi mo magawa dahil sa kakulangan ng oras. Ngayong may panahon ka na ay mamamalas mo ang iyong husay.

Masuwerteng numero;13,19,25,36

DRAGON (DRAGON)

Isang tao ang makikilala mo sa gitna ng iyong pagdadalamhati. Bagamat ikaw ay nalulunod sa kalungkutan ngayon ay may makikita kang silver lining dahil sa taong ito. Ang kapighatian mo ay mababawasan.

Masuwerteng numero; 7,9,11,15

AHAS (SNAKE)

Marami kang magagamit na bagay ngayon para sa iyong proyekto. Kabilang dito ang mga slightly use na gamit nyo sa bahay na hindi nyo na kailangan. Kaya naman gaganahan ka sa proyektong iyong nasimulan.

Masuwerteng numero; 42,46,49,53

KABAYO (HORSE)

Hindi sasapat ang budget mo ngayon para sa isang planong pagbibiyahe nang mag-isa. Mas makakabuti kung dadagdagan mo muna ang iyong ipon bago mo ito gawin kung nais mo na hindi ka mamroblema sa biyahe.

Masuwerteng numero; 23,27,33,35

TUPA (SHEEP)

Magiging maganda ang araw mo ngayon sa trabaho. Ang inaasahan mong gawain na magpapa-stress sa’yo ay hindi mangyayari kaya naman kahit papa’no ay makakahinga ka ng maluwag at makakapagrelax.

Masuwerteng numero; 2,6,8,9

UNGGOY (MONKEY)

Isa sa mga ex mo ang magpaparamdam sa’yo ngayon. Hindi mo pa siya nakakalimutan pero sigurado ka sa sarili mo na wala na ang feelings at  kilig na gaya ng dati kaya okay lang na hindi mo na siya i-entertain pa.

Masuwerteng numero; 63,67,77,80

TANDANG (ROOSTER)

Isang mahalagang okasyon ang hindi mo madadaluhan dahil sa hindi magandang pakiramdam ng iyong katawan. Kahit pa gustong gusto mo itong puntahan dahil matagal mo itong hinintay ay wala kang magagawa.

Masuwerteng numero; 14,21,28,29

ASO (DOG)

Mapipilitan kang aminin sa iyong karelasyon ang tunay mong nararamdaman. Ang biglaang pagdedesisyong ito ay para na rin sa ikabubuti nyo pareho kaya handa kang panindigan ito hanggang sa huli.

Masuwerteng numero; 50,60,61,64

BABOY (PIG)

Makakaranas ka ngayon ng kaluwagan sa budget dahil makukuha mo na rin sa wakas ang perang pinaghirapan mo. Huwag mo lang kakalimutan na may pinaglalaanan ka nito na mas dapat mong unahin kaysa anupaman.

Masuwerteng numero; 4,6,17,19

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.