30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 19, 2024

DAGA (RAT)

May dalang suwerte ang umaga.Dapat mo itong angkinin at gawing bahagi ng iyong maghapon. Ito rin ang araw na makakasama mo sa masasayang oras ang iyong pamilya. Bihira ngunit makahulugan at memorable ang bawat sandali.

Masuwerteng numero; 13,24,25,30

BAKA (OX)

Hindi lilipas ang maghapon na wala kang natatapos na gawain. Kahit pa puno ka ng stress at sa tingin mo ay hindi ito magandang araw para sa’yo, sa gabi bago ka matulog ay mare-realize mo kung gaano ka naging ka-produktibo.

Masuwerteng numero; 27,28,35,41

TIGRE (TIGER)

Dahil sa impluwensya ng ibang tao ay makakagawa ka ng isang pagkakamali na hindi mo ginusto. Pero wala ka ng magagawa kapag nangyari na ito. Ang tanging magiging option mo na lang ay ang ayusin ito sa lalong madaling panahon.

Masuwerteng numero; 16,20,22,43

KUNEHO (RABBIT)

Kahit pa wala sa pagkatao mo ay hindi mo maiiwasan na maghabol sa isang tao. Mahal mo siya nang higit sa kahit na kanino kaya hindi mo na papansinin kung anuman ang sasabihin ng iba tungkol sa’yo at sa kanya.

Masuwerteng numero; 50,51,62,73

DRAGON (DRAGON)

Ang mga plano mo na matagal mong pinag-isipan ang bawat detalye ay mababalewala ngayon. Ito ay dahil sa bagong ideya na maiisip mo na suggetsion ng isang malapit na kaibigan. Mabubuhayan ka ng loob.

Masuwerteng numero; 16,20,23,26

AHAS (SNAKE)

Sadyang may mga bagay na kahit anong pilit mo na mapasa’yo ay hindi mapapasaiyo. Mas makakabuti kung ibabalik mo ito sa may-ari bago pa man ito magdulot ng kumplikasyon sa buhay mo at sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 12,17,30,35

KABAYO (HORSE)

Hindi ikaw ang magpapasya para sa buhay ng isang malapit na kamag-anak. Pero matagal ka ng gigil sa mga mali niyang desisyon kaya ipipilit mo na, na pakinggan ka niya at sundin naman ang iyong sinasabi para sa kanyang ikakabuti.

Masuwerteng numero; 15,17,19,28

TUPA (SHEEP)

Iwasan ang pagpapatumpik tumpik sa mga bagay na matagal mo ng nais gawin. Kung patuloy na paiiralin ang kakuparan at pagdadalawang isip ay malalampasan ka ng suwerte. Kaya gawin mo na habang may pagkakataon pa.

Masuwerteng numero; 1,3,5,7

UNGGOY (MONKEY)

Maging maingat sa pagpili ng mga oportunidad. Hindi lahat ng dumarating sa’yo ay makakatulong talaga sa’yo tulad ng inaasahan mo. Mas makakabuti kung pag-aaralan lahat ng detalye bago ito tanggapin at pagbuhusan ng oras.

Masuwerteng numero; 2,12,22,27

TANDANG (ROOSTER)

Hindi masamang magbalik ng pabor sa tao na pinagkakautangan mo ng loob. Subalit kailangan mo rin isaalang-alang ang limitasyon ng iyong kakayahan. Kung sobra-sobra na ang kanyang hinihingi at hindi mo na ito kaya, huwag ng ipilit.

Masuwerteng numero; 30,35,42,48

ASO (DOG)

Magandang araw ito para ipasyal ang iyong mahal sa buhay. Minsan lamang magtutugma ang araw na pareho kayong available kaya dapat nyo na itong sulitin. Isantabi muna ang mga bagay na hindi naman importante at maglibang.

Masuwerteng numero; 17,26,34,39

BABOY (PIG)

Hindi makakatulong sa’yo ang isang tao kung lagi mo siyang ipe-pressure. Sa halip ay maghahanap lang siya ng way para kalabanin ka. Mas makakabuti kung matututunan na irespeto ang bawat tao sa bawat gawain sa ilalim ng iyong pamamahala.

Masuwerteng numero; 50,60,66,69

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.