33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 15, 2024

DAGA (RAT)

Kahit maghapon ka lang sa bahay ay magiging makabuluhan pa rin ang araw mo dahil sa dami ng gawain na iyong matatapos. Ikagagaan ito ng iyong pakiramdam. Kaya naman sa gabi ay panatag kang makakatulog.

Masuwerteng numero; 12,23,29,30

BAKA (OX)

Ang araw na ito ay puno ng stress para sa’yo dahil sa kaliwa’t kanang trabaho na kakailanganin mong tapusin asap. Gayunpaman, may pambalanse ka naman sa lahat ng stress na ito dahil nkaalalay sa’yo ang iyong mahal.

Masuwerteng numero; 26,27,30,39

TIGRE (TIGER)

Yung pangako na akala mo ay napako na, ngayon ay mabibigyan na ng katuparan . Kaya naman ang kalungkutan na bumabalot sa’yo nitong mga nagdaang araw ay mababalewala na lahat at matatabunan na ng kasiyahan.

Masuwerteng numero; 14,15,25,42

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang magagawa kundi palipasin ang lungkot na iyong nararamdaman dahil sa kabiguan sa pag-ibig. Hindi mo talaga mapipilit ang isang tao na mahalin ka kung hindi naman ito ang kanyang nararamdaman,unless gusto mo na lokohin ka niya.

Masuwerteng numero; 17,19,22,28

DRAGON (DRAGON)

Sa kabila ng mga paninira ng ilan sa iyong negosyo ay hindi ito matitinag. Mananatili itong tinatangkilik. Nasa’yo pa rin ang simpatya ng iyong mga customers. Ipagpatuloy mo lang.Business as usual kahit ano pang sabihin nila as long as wala kang ginagawang masama.

Masuwerteng numero; 4,6,7,9

AHAS (SNAKE)

Ikasasama mo ng loob ang hindi pagbibigay ng pabor ng isang kaibigan para sa iyong kahilingan. Pero hindi mo ito dapat maramdaman dahil marami na rin naman siyang naitulong at nagawang pabor para sa’yo. Huwag mo itong kalimutan.

Masuwerteng numero; 42,44,56,59

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng hindi maganda sa katawan. Mas makakabuti kung hahayaan ang sarili na makapagpahinga. Huwag pilitin na gawin ang mga bagay na alam mo namang hindi mo pa kaya. Ingatan ang kalusugan.

Masuwerteng numero; 16,13,14,25

TUPA (SHEEP)

Isang tao ang aasa sa iyong pangako sa araw na ito. Ang problema ay mawawala na ito sa isip mo at walang chance na maalala mo ito ngayon. Kaya naman sa ayaw at sa gusto mo ay magtatampo siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 50,53,58,60

UNGGOY (MONKEY)

Sa wakas ay muli kang mabubuhayan ng loob dahil ang proyekto na matagal ng nakabinbin ay muling magpaparamdam ngayon. Ito na ang simula at magiging abala ka ng husto sa mga susunod pang araw dahil dito.

Masuwerteng numero; 71,77,78,80

TANDANG (ROOSTER)

Isang bagong kakilala ang magpapangiti sa’yo sa araw na ito.Makikilala mo siya sa social media. Ito na ang simula ng araw na lagi kang ngingiti dahil sa kanya. Huwag mo lang kakalimutan ang iyong mga limitasyon.

Masuwerteng numero; 11,29,30,31

ASO (DOG)

Isang dating kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita ang makaka-chat mo ngayon at mangungumusta. Alam mo na ang ibig sabihin nito. May kailangan siya sa’yo at magdadalawang isip ka na ibigay ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 3,9,11,17

BABOY (PIG)

Masaya ang araw na ito para sa’yo at sa iyong mahal. Dahil sa wakas, matapos ang sunud-sunod na araw ng pagiging abala pareho sa trabaho ay magkakaroon na kayo ngayon ng mahaba-habang oras para sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 54,56,61,62

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.