26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 12, 2024

DAGA Mayroon kang pagkakataong umangkop sa isang pag-akyat sa iyong karera, ngunit maaaring hindi mo ito pansinin dahil sa iba pang mga bagay na mas mahalaga para sa iyo ngayon. Suwerteng numero: 8, 19, 22, 24

BAKA Maramdaman mo ang pagkawala ng isang tao sa iyong buhay. Kaya naman upang hindi masyadong maapektuhan, mabilis kang maghahanap ng ibang tao upang palitan siya sa puwestong iniwan niya sa iyong puso. Suwerteng numero: 9, 10, 12, 13

TIGRE Matatagalan kang magpasya sa isang mahalagang bagay sa iyong buhay dahil naghihintay ka sa opinyon ng ilang mga tao na mahalaga din sa iyo. Ngayong araw, ma-realize mo na hindi mo kailangan ang opinyon ng iba. Suwerteng numero: 12, 15, 18, 20

KUNEHO Hindi ka mapang-away na tao, ngunit sa pagkakataong ito, hindi mo maiiwasan ang pagprovoke sa iyo ng isang kapitbahay. Kaya hindi mo rin maiiwasan ang sarili at lalaban ka sa isang paraan na alam mong tama. Suwerteng numero: 6, 17, 22, 29

DRAGON Panghihinayangan mo ang pagkakataon na makalapit ka sa iyong minamahal. Kaya maghapon kang mag-iisip tungkol sa mga “what if” kung hindi mo ito napalampas. Suwerteng numero: 11, 13, 14, 25

AHAS Muling bibisitahin mo ang mga alaala ng iyong kabataan dahil may isang tao na magpapaalala nito sa iyo. Wala ka ng intensyon at hindi mo gusto, ngunit kusang pipintig ang puso mo sa pag-alala sa taong minsan mong pinasaya. Suwerteng numero: 6, 17, 20, 30

KABAYO Mapipilitan kang tuparin ang hiling ng isang kamag-anak alang-alang sa nakatatanda sa inyo. Hindi mo naman nais na magkaroon pa ng isyu dahil hindi ka sang-ayon sa kanilang kagustuhan. Suwerteng numero: 14, 25, 26, 27

TUPA Mahuhuli ka sa isang pustahan. Ang pagkatalo mo ay magbubukas ng daan para aminin ka nila sa isang bagay na balak mo lang itago habambuhay. Hindi mo nais na malaman ng iba ang tunay mong nararamdaman para sa isang tao. Suwerteng numero: 1, 3, 7, 10

UNGGOY Madali ang pasok ng suwerte sa iyong negosyo ngayon kaya naman ma-e-encourage ka na pagbutihin pa ito. Makakaisip ka ng magandang diskarte upang mas mapansin ang iyong negosyo at hindi ka mabibigo dito. Suwerteng numero: 7, 18, 22, 23

TANDANG Thrilling ang araw na ito para sa iyo dahil sa mga bisitang darating. Hindi mo sila inaasahan dahil nais nilang sorpresahin ka. Kaya ang iyong tahimik na araw ay magiging magulo at puno ng saya. Suwerteng numero: 17, 24, 25, 30

ASO Magkakaroon ka ng isang pambihirang pagkakataon na makasama ang isang tao na matagal mo nang napipikon. Wala pang nangyaring reconciliation sa pagitan nyo kaya magiging ilang ka at mailap sa kanya. Suwerteng numero: 13, 21, 26, 27

BABOY Ikaw ang uri ng tao na madaling magpatawad subalit mahirap makalimot. Kaya ang pagbabalik sa iyong buhay ng isang tao mula sa iyong nakaraan na nanakit sa iyo ay hindi mo agad matatanggap ng maluwag. Mangangailangan ka pa ng ilang oras. Suwerteng numero: 8, 9, 20, 29

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.