25.9 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 11, 2024

DAGA (RAT)

May makukuha kang bagay ngayon na matagal mo nang inaasam. Sa wakas ay mapapasakamay mo na rin ito. Kailangan mo lang itong pag-ingatan dahil mainit ito sa mga mata ng mga taong malikot ang kamay.

Masuwerteng numero; 10,11,13,15

BAKA (OX)

Mahahanap mo ngayon ang isang tao na matagal mo ng gustong makita. Medyo matagal tagal na rin mula nang huli kayong magkasama. May mga bagay kang gustong linawin sa kanya na ngayon ay masasabi mo na.

Masuwerteng numero; 23,27,34,38

TIGRE (TIGER)

Hindi ikaw ang dapat na magpasya para sa problemang kinakaharap ng isang kamag-anak pero ikaw ang mapipili niyang pagkatiwalaan. Kaya naman hindi mo ito dapat balewalain at sa halip ay pag-isipan mo itong mabuti.

Masuwerteng numero; 52,59,66,70

KUNEHO (RABBIT)

Mahaharap ka ngayon sa isang pagdedesisyon na kakailanganin mong manimbang sa pagitan ng iyong personal na karelasyon at iyong kapamilya. Kailangan mo itong pag-isipang mabuti upang hindi magkamali ng desisyon.

Masuwerteng numero; 14,20,22,26

DRAGON (DRAGON)

Isang magandang araw ito para ituloy ang matagal nyo ng planong pagbibiyahe. Kasama ang mahal sa buhay ay magiging magaan at maalwan ang araw na ito para sa inyong pamamasyal at paglilibang. Magiging masaya ang buong maghapon.

Masuwerteng numero; 4,8,19,21

AHAS (SNAKE)

Kahit na hindi mo na siya nakikita at nakakausap, sa araw na ito ay kusa siyang papasok sa isip mo at kusa ring dadaloy ang mga alaala na ayaw mo na sanang balikan pa. Sa pananariwa ng lahat ay muli mong mararamdaman ang pait.

Masuwerteng numero; 11,13,14,16

KABAYO (HORSE)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo para idulog ang kanyang suliranin sa pag-ibig. Mahihirapan kang bigyan siya ng payo dahil kasalukuyan mo rin itong pinagdaraanan at nalilito ka rin sa kung ano ba talaga ang pinakatamang gawin.

Masuwerteng numero; 30,35,42,45

TUPA (SHEEP)

Oo agad ang isasagot mo sa matatanggap mong alok na may kinalaman sa iyong trabaho. Hindi ka magdadalawang isip dito dahil matagal mo na itong hinihintay. Kaya naman labis mong ikatutuwa ang pangyayari ngayong araw na ito.

Masuwerteng numero; 17,19,22,27

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo pa makakayang aminin sa ngayon dahil marami kang inaalala at isinasaalang-alang pero ang tunay na damdamin mo sa isang tao ay hindi mo na makakaya pang itanggi sa sarili mo. Deep inside ay alam mong gusto mo na siya.

Masuwerteng numero; 6,21,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Kahit pa alam mong wala ka ng pag-asa sa kanya ay patuloy ka pa ring aasa. Patuloy mo pa ring ipapakita kung gaano siya kahalaga sa’yo. Sa ngayon ay nakasentro ang isip mo sa kung paano mo maibabalik sa dati ang lahat.

Masuwerteng numero; 4,14,20,30

ASO (DOG)

May magandang regalo kang matatanggap mula sa isang kaibigan. Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng regalo na ito pero magkakaroon ka ng pagdududa na may pagtingin siya sa’yo base na rin sa kanyang mga kilos.

Masuwerteng numero; 17,18,24,26

BABOY (PIG)

Hindi mo pakakawalan ang oportunidad na kakatok ngayon sa pintuan mo. Malakas ang magiging kutob mo na ito ang mag-aahon sa’yo sa kahirapan at a iyong pamilya kaya naman gagawin mo ang lahat para hindi na ito makawala sa iyong mga kamay.

Masuwerteng numero; 12,13,23,29

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.