26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 10, 2024

DAGA (RAT)

Isang pabor ang hihilingin sa’yo ng isang kamag-anak na pinagkakautangan mo ng loob. Magdadalawang isip ka dahil maaari kang maipit sa isang hindi magandang sitwasyon kung pagbibigyan mo ang kanyang hiling.

Masuwerteng numero; 7,18,29,30

BAKA (OX)

Mai-stress ka ngayon sa kakaisip ng solusyon sa kinakaharap mong problema. Pero kahit na anong gawin mong pag-iisip sa araw na ito ay hindi ka makakaisip ng solusyon. Mas makakabuti kung ikakalma na muna ang sarili.

Masuwerteng numero; 10,27,28,34

TIGRE (TIGER)

Ang plano mong pagbibiyahe na naudlot noong nakaraang araw ay malaki ang posibilidad na matuloy na sa araw na ito. Posible ring makalimutan ang isang napakahalagang bagay na kailangan mong bitbitin sa byahe.

Masuwerteng numero; 16,22,24,25

KUNEHO (RABBIT)

Isang sorpresa ang matatanggap mo mula sa iyong mahal. Kaya naman ang buong maghapon mo ay mapupuno ng saya at kilig. Magiging masaya at makabuluhan ang bawat oras na kapiling  siya hanggang sa gabi.

Masuwerteng numero; 54,57,63,66

DRAGON (DRAGON)

May kaalatan ang pagpasok ng kita sa iyong negosyo sa araw na ito. Wala kang magagawa para paangatin ang iyong kita. Pero huwag masyadong mag-alala dahil isang araw lang naman ito kumpara sa marami pang araw na pwede kang makabawi.

Masuwerteng numero; 43,46,52,55

AHAS (SNAKE)

Ngayon na ang araw na kakailanganin mong pagdesisyunan ang isang mahalagang bagay na may kinalaman sa kabuhayan ng inyong pamilya. Kahit ikaw ang pinagkakatiwalaan nila ay kailangan mo pa ring isangguni sa nakakatanda ang iyong pasya bago ito bitawan.

Masuwerteng numero; 7,13,17,19

KABAYO (HORSE)

Isang hindi inaasahang tao ang magpapamukha sa’yo ng mga nagawa mong pagkakamali. Dahil sa kanyang mga sasabihin ay matatauhan ka at mapagmumuni-munihan ang iyong mga nagawa nitong nakaraang araw.

Masuwerteng numero; 6,8,9,20

TUPA (SHEEP)

May hindi pagkakaintindihang mamamagitan sa inyo ng itinuturing mong kaibigan. Mangyayari ito dahil sasalubungin nyo ang galit ng isa’t-isa. Kakailanganin mo munang kumalma para makapag-isip ka ng tama.

Masuwerteng numero; 23,26,36,49

UNGGOY (MONKEY)

Hindi pa ito ang araw na hinihintay mo para anihin ang iyong suwerte. Stress ang ihahatid sa’yo ng maghapon kaya kakailanganin mong kontrolin ang iyong emosyon. Sa gabi ay saka lamang magkakaroon ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 5,6,12,23

TANDANG (ROOSTER)

May mahalagang tao kang makakasama ngayong araw na ito.Ang mapag-uusapan nyo ay posibleng maghatid ng pagbabago sa iyong kapalaran. May maganda siyang alok sa’yo na mahihirapan kang tanggihan.

Masuwerteng numero; 68,69,75,79

ASO (DOG)

Sa araw na ito ay hindi ka kakasihan ng iyong tadhana. Gayunpaman, walang kamalasan ang mangyayari kung pipiliin mo na manahimik sa bahay kaysa sumama sa iyong mga kaibigan na mauubos ang oras sa walang kapararakan.

Masuwerteng numero; 1,3,5,7

BABOY (PIG)

Hindi mo maiiwasan na hindi mag-alala sa kapamilyang nasa malayo ngayon. Ang hindi magandang balitang patuloy na lumalaganap sa lugar kung saan siya naroon ang siyang hindi magpapatahimik sa’yo sa bawat oras.

Masuwerteng numero; 72,74,80,83

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.