25.5 C
Manila
Sunday, May 26, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 9, 2024

DAGA (RAT)

Mahihirapan kang lusutan ang mahirap na sitwasyon na kasasangkutan mo ngayong araw. Sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo ang tulong ng isang tao na may malakas na impluwensya para lamang malampasan mo ito.

Masuwerteng numero; 14,29,30,34

BAKA (OX)

Aariba ang negosyo mo ngayon. Kahit pa small business lang ito ay makakatiyak kang maisasalba nito ang pangangailangan nyo sa araw-araw at sosobra pa. Kaya naman wala ka ng dapat ipag-alala sa darating na bukas.

Masuwerteng numero; 45,47,51,52

TIGRE (TIGER)

Hindi ka mangingiming lapitan at hingan ng tulong ang isang dating kaibigan dahil umaasa ka na matutulungan ka rin niya. May magagawa siya kahit papa’no para sa’yo pero hindi tulad ng inaasahan mo.

Masuwerteng numero; 13,25,28,33

KUNEHO (RABBIT)

Babalik ang sigla mo sa pagluluto at mas lalo pang lalaki ang interes mo rito dahil sa mga makikita mo sa social media. Maeengganyo ka sa mga bagong recipe na hindi mo pa nasusubukan kaya gagawin mo agad ito.

Masuwerteng numero; 66,67,69,72

DRAGON (DRAGON)

Wala kang balak na magpahuli sa iyong mga kaibigan. Kaya naman gagawin mo ang lahat para lamang makasunod o makapantay sa estado ng kanilang buhay. kailangan mong marealize na hindi mo dapat kunsintihin ang sarili.

Masuwerteng numero; 6,9,13,15

AHAS (SNAKE)

Hahangaan mo ang isang tao na mas uunahin pa ang iba kaysa sa kanyang sarili. Isang simpleng tao at isang simpleng gesture na magiging laman ng isip mo sa buong maghapon at magdamag na lilipas ngayon.

Masuwerteng numero; 40,43,54,58

KABAYO (HORSE)

Aanihin mo ngayon ang bunga ng mga pinaghirapan mo nitong mga nakaraang araw. Pero huwag kang umasa na magiging satisfied ka rito. Sa halip ay ipagpasalamat mo na lang na kahit papa’no ay nagbunga ang iyong pinaghirapan.

Masuwerteng numero; 15,24,25,39

TUPA (SHEEP)

Magiging magaan ang araw na ito dahil sa pagiging positibo mo. Mahahawa sa’yo ang mga nasa paligid mo kaya naman walang bad energy ang makakasingit ngayon sa buong maghapon mo. Puro good vibes lang.

Masuwerteng numero; 10,11,20,25

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na anong iwas ang gawin mo sa taong labis mong kinaiinisan ay magkukrus at magkukrus pa rin ang landas nyo ngayon. Pagkakataon mo na ito para sabihin sa kanya ang matagal mo ng gustong sabihin.

Masuwerteng numero; 7,9,19,34

TANDANG (ROOSTER)

Sa pagkakataong ito, ikaw naman ang maghahatid ng biyaya para sa kamag-anak na higit na nangangailangan kasya sinuman sa inyong pamilya. Magiging magaan ang kalooban mo dahil sa gagawin.

Masuwerteng numero; 6,17,27,48

ASO (DOG)

Maging maillap man ang suwerte para sa’yo ngayong araw na ito ay patuloy ka pa ring magpapasalamat dahil mabuti ang kalusugan ng buo mong pamilya. Ito lang ay sapat na upang maging masaya ka at panatag.

Masuwerteng numero; 7,9,12,20

BABOY (PIG)

Ang katanungang matagal ng bumabagabag sa’yo ay masasagot na ngayong araw. Hindi man malinaw ang maging kasagutan ay alam mo na ito na talaga ang sagot. Kaya hindi mo na aabalahin ang iyong isip tungkol dito.

Masuwerteng numero; 25,26,30,40

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.