28.9 C
Manila
Tuesday, May 28, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 8, 2024

DAGA (RAT)

Hindi ka maaapektuhan kahit ano pa ang marinig mong hindi maganda mula sa isang tao na nagtataglay ng inggit sa’yo. Sa halip ay ipagkikibit balikat mo lamang ito. Ayaw mo ng dagdagan pa ang stress na meron ka ngayon.

Masuwerteng numero; 14,25,30,33

BAKA (OX)

Ngayon na ang tamang panahon para lumapit ka at makipag-ayos sa iyong mga magulang. Alam mo sa sarili mo na hindi mo rin naman sila kayang tikisin. Kaya naman hindi mo na kailangang ipagpaliban pa ito.

Masuwerteng numero; 5,16,17,27

TIGRE (TIGER)

Hindi magiging madali sa’yo ang pagpapatawad sa isang tao nakagawa ng malaking pagkakasala sa’yo. Subalit para na rin sa ikatatahimik ng kalooban mo ay susubukan mo pa rin siyang patawarin ng bukal sa iyong loob.

Masuwerteng numero; 24,25,35,40

KUNEHO (RABBIT)

Sa araw na ito ay mababawasan ang kumpiyansa mo sa sarili dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. Hindi ka handa para rito kaya hindi ka makakapag-isip ng tama. In short, sasablay ka sa diskarte na magbubunga ng hindi maganda.

Masuwerteng numero; 10,11,13,14

DRAGON (DRAGON)

Kaiinipan mo ang pagdating ng pinakahihintay na biyaya. Pero sa halip na magmukmok at magreklamo ay mag-iisip ka muna ng ibang paraan upang maitawid mo ang pangangailangan ng iyong pamilya at hindi mo maramdaman ang inip.

Masuwerteng numero; 2,6,20,22

AHAS (SNAKE)

Pupurihin ng ibang tao ang iyong pagkakawanggawa. Kaya naman lalo kang gaganahan na tumulong. Gayunpaman, mananatili kang mapagpakumbaba sa kabila ng pagtataas sa’yo ng ibang tao. Sapat na sa’yo na nakatulong ka.

Masuwerteng numero; 16,30,34,40

KABAYO (HORSE)

Magagahol ka sa oras sa araw na ito para matapos ang isang nasimulang proyekto. Kahit anong gawin mong paghahabaol ay hindi mo na talaga ito matatapos ngayon kaya wala kang mapagpipilian kundi ipagpabukas ito.

Masuwerteng numero; 15,23,24,46

TUPA (SHEEP)

Hindi mo maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan na mamamagitan sa inyo ngayon ng iyong kaibigan dahil sa isang maselang topic na inyong mapag-uusapan. Hindi magiging maganda ang araw na ito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,4,7,9

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na anong tago ang gawin mo ay mababakas pa rin ng mga kasama mo sa bahay ang iyong kasiyahan na gusto mo na lang sanang ilihim. Ayaw mo rin kasing malaman nila kung sino ang dahilan nito.

Masuwerteng numero; 40,44,56,57

TANDANG (ROOSTER)

Madadamay ka sa silent war ng iyong mga kapitbahay. Ang lihim na alitan ng mga ito ay maaari ring mauwi sa komprontasyon sa araw na ito at ikaw ang siyang mapapagitna sa sitwasyon. Maiipit ka sa ayaw at sa gusto mo.

Masuwerteng numero; 66,69,75,78

ASO (DOG)

Babalik ang interes mo sa negosyo na dati mo nang tinalikuran. Ngayon mo makikita ang magandang pangako na dala ng negosyong ito kaya muli nitong mapupukaw ang atensyon at interes mo para balikan ito.

Masuwerteng numero; 40,41,52,56

BABOY (PIG)

Maaliwalas ang umagang ito para sa’yo dahil sa magandang balita na matatanggap mo sa pagsikat pa lang ng araw. Kaya naman magiging maganda ang awra mo at magiging positibo ka sa buong maghapon hanggang gabi.

Masuwerteng numero; 10,13,22,35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.