33.7 C
Manila
Tuesday, May 21, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 7, 2024

DAGA (RAT)

Magiging maaliwalas ang araw na ito para sa’yo dahil sa sunud-sunod na pagdating ng mga biyaya. Ang iba ay expected mo na pero ang iba ay hindi mo inaasahan. Dsahil dito ay magiging masigla ka sa buong araw.

Masuwerteng numero; 34,35,40,41

BAKA (OX)

Marami kang matatapos na gawain ngayong araw. Dahil ang sama ng loob mo sa isang tao ay ibubuhos mo ngayon sa lahat ng bagay na pwedeng maging dahilan ng pagkaabala mo para hindi mo siya maisip kahit man lang sa maghapong ito.

Masuwerteng numero; 13,24,27,30

TIGRE (TIGER)

Hindi ka mapapahiya sa gagawin mong pagpalit sa isang kaibigan. Kahit na hindi mo siya nagawang tulungan nung siya ang nangangailangan ay hindi iyong magiging dahilan para hindi ka niya damayan ngayon.

Masuwerteng numero; 4,5,16,17

KUNEHO (RABBIT)

May mga maririnig kang hindi magagandang salita laban sa iyong mga kamag-anak. Gustuhin mo man na ipagtanggol sila ay hindi mo magagawa dahil ayaw mong madamay ang sarili mong pamilya kaya mananahimik ka na lang muna.

Masuwerteng numero; 13,24,34,38

DRAGON (DRAGON)

Kukulangin ka sa kasipagan ngayong araw. Mas gugustuhin mo na maubos ang maghapon mo sa paghilata, panonood ng t.v. at pagkain. Kahit anong pilit mo sa sarili ay wala ka talaga sa mood para kumilos.

Masuwerteng numero; 7,18,19,22

AHAS (SNAKE)

May magagawa ka para mabago ang isip ng isang mahal sa buhay tungkol sa kanyang nalalapit na pag-alis. Kailangan mo lang na seryosohin ang pangungumbinsi mo sa kanya at maipaliwanag sa kanya ang lahat.

Masuwerteng numero; 50,66,67,69

KABAYO (HORSE)

Hindi mo man hanapin o hilingin ay kusang lalapit sa’yo ang biyaya dahil ito ay nakalaan talaga para sa’yo. Mas magiging magaan ang araw mo kung ibabahagi mo rin ito sa iba na alam mong nangangailangan tulad mo.

Masuwerteng numero; 44,46,51,52

TUPA (SHEEP)

Buong puso ang magiging pagtulong mo sa iyong mga kamag-anak. Kaya naman pagpapalain ka ng Diyos. Ang mabuti mong intensyon ang siyang aakit ng suwerte palapit sa’yo para mas makatulong ka pa.

Masuwerteng numero; 6,11,13,24

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo matatanggap ang magiging resulta ng isang proyektong pinaghirapan mo. Subalit gaano man sumama ang loob mo ay hindi mo na ito mababago. Magsisilbi na lamang itong isang malaking lesson para sa’yo.

Masuwerteng numero; 35,38,42,45

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang dapat ipag-alala tungkol sa iyong negosyo. Pansamantala lang naman itong magiging matumal. Mas malamang pa rin ang araw na magiging mabenta ito. Habang wala pang customer ay samantalahin mo ang pagpapahinga.

Masuwerteng numero; 6,7,8,19

ASO (DOG)

Hindi mo ikakayaman ang konting halaga na mawawala sa’yo. Kaya hindi ito dapat maging dahilan ng iyong kalungkutan. Isipin mo na lang na hindi laan ang perang ito para sa’yo kaya ito ay makakaalpas sa palad mo.

Masuwerteng numero; 10,11,15,20

BABOY (PIG)

Ang prosesong inaakala mo ay magiging mahirap at matagal ay magiging madali lang at mabilis. Kaya naman hindi masasayang ang oras mo sa araw na ito at marami ka pang magagawa sa pag-uwi mo sa bahay.

Masuwerteng numero; 30,31,49,53

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.