29.6 C
Manila
Monday, May 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 5, 2024

DAGA (RAT)

May pag-asang matuloy ang isang proyektong matagal mo ring inabangan. Ngayong araw ay magpaparamdam sa’yo ang may hawak ng proyektong ito at ikaw ang napipisil niyang  makapartner niya rito.

Masuwerteng numero; 11,22,30,31

BAKA (OX)

Mapipilitan kang labanan sa pamamagitan ng isang contest ang iyong kaibigan dahil na rin sa kanyang pamimilit. Pero kahit na magandang kompetisyon ito para sa iba, para sa’yo ay isa lamang itong katuwaan.

Masuwerteng numero; 7,8,25,26

TIGRE (TIGER)

Mawawalan ka ng ganang tulungan ang isang kaibigan na lumapit sa’yo dahil sa mga makikita mong ipinopost niya sa social media. Sa mga post niya ay makikita mong parang hindi naman siya deserving bigyan ng tulong.

Masuwerteng numero; 30,40,41,54

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka mahihiyang manghingi ng tulong sa iyong kamag-anak dahil minsan mo rin siyang natulungan sa oras ng kanyang kagipitan. Pero mabibigo ka sa pagkakataong ito dahil mas lubog pa ang sitwasyon niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 13,20,33,40

DRAGON (DRAGON)

Magaan ang araw na ito para sa’yo. Maaliwalas ang umaga at ang pagiging positibo mo ang siyang mag-aanyaya ng suwerte papasok sa inyong tahanan. Kahit wala kang gawin ay kusang darating ang mga biyaya.

Masuwerteng numero; 57,64,66,69

AHAS (SNAKE)

Isang hindi inaasahang bisita ang darating. Ang pangamba mo na tumanggap ng bisita ay mapapawi dahil hindi mo siya gustong itaboy at miss na miss mo na siya kaya naman aasikasuhin mo siyang mabuti tulad ng dati.

Masuwerteng numero; 28,29,30,33

KABAYO (HORSE)

Maaaliw ka sa bagong mauuso sa social media kaya naman may mga importanteng bagay kang hindi magagawa dahil dito. Sa sobrang pagkalibang mo ay hindi mo na mamamalayan ang mabilis na paglipas ng oras.

Masuwerteng numero; 15,20,25,30

TUPA (SHEEP)

Sa umaga ay mababalot ka ng kalungkutan dahil sa masamang balitang matatanggap mula sa malayo. Subalit bago matapos ang maghapong ito ay isang magandang balita naman ang magpapangiti sa’yo mula sa isang kaibigan.

Masuwerteng numero; 12,13,27,34

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw na mismo ang aatras sa isang kasunduan dahil mare-realize mo na hindi ito patas para sa’yo. Wala kang pakialam kahit sino pa ang magalit basta aagapan mo na hindi ka madehado rito. Hindi na mababago ang isip mo.

Masuwerteng numero; 38,46,53,55

TANDANG (ROOSTER)

Magiging higit kang produktibo  sa araw na ito kaysa sa mga nagdaang araw. Nagsasawa ka na kasi sa iyong daily routine na sa iyong palagay ay hindi nakakatulong sa’yo kaya naman ngayong araw ay sisikapin mo na mabago ito.

Masuwerteng numero; 14,14,28,30

ASO (DOG)

Kahit tiwala ang lahat sa isang nakatatandang miyembro ng inyong pamilya ay hindi mo pa rin maiwasan na magduda sa kanya. May mase-sense kang parang hindi tama sa mga nangyayari at gayundin sa mga plano niya.

Masuwerteng numero; 53,67,75,78

BABOY (PIG)

Matatakot ka sa mga salitang bibitawan sa’yo ng iyong ex. Para sa’yo ay isa na itong pagbabanta kaya naman gagawin mo ang lahat ng pag-iwas, to the point na hihingi ka rin ng tulong sa mga kaibigan para maprotektahan ka.

Masuwerteng numero; 10,13,32,37

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.