35.3 C
Manila
Tuesday, May 21, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 3, 2024

DAGA (RAT)

Mapapagod ang katawang lupa mo sa araw na ito dahil sa dami ng iyong gagawin. Mapa sa loob man ng bahay o mapa trabaho sa labas. Magsasabay sabay ito at lahat ay matatapos mo ngayong araw kaya labis ang pagod na mararamdaman.

Masuwerteng numero; 43,45,50,61

BAKA (OX)

Magiging magaan ang araw mo kung tatanggapin mo ang tulong kahit pa ito ay galing sa iyong ex na kaibigan mo naman .Kailangan mong aminin na sa panahon ngayon ay hindi na dapat maging mapili basta’t makakatulong sa pamilya.

Masuwerteng numero; 6,8,17,19

TIGRE (TIGER)

May mga bagay na kahit anong pilit mo ay hindi talaga mapapasa’yo dahil hindi ito nakalaan para sa’yo. Mas makakabuti kung tatanggapin na lang ang kabiguan at ipagpapasa-Diyos ang sa palagay mo’y hindi patas.

Masuwerteng numero; 34,35,43,46

KUNEHO (RABBIT)

Mapapasubo ka sa isang engkuwentro na hindi ka naman talaga dapat kasali. Pero dahil madadamay ka na ay paninindigan mo na lang at ipaglalaban ang sa tingin mo ay tama. Masyadong magulo at kumplikado ang araw na ito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,13,14,26

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka basta basta magpapatalo sa bawat wave ng problema sa buhay mo. Ngayong araw ay muli mo itong mapapatunayan sa pagdating ng isang hindi inaasahang problema. Handa ka man o hindi ay haharapin mo ito ng buong tapang.

Masuwerteng numero; 16,20,22,30         

AHAS (SNAKE)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na maging masaya ngayong araw na ito dahil sa isa sa iyong mga anak. Makakabonding mo siya buong araw at kahit papa’no ay makakapagbigay siya sa’yo ng tulong pinansiyal.

Masuwerteng numero; 15,21,32,37

KABAYO (HORSE)

Malaki ang kakaharapin mong problema hangga’t hindi mo binibigyan ng pansin ang maliit na problemang nasa harapan mo na ngayon. Kailangan mo na itong solusyunan bago pa man ito maging mabigat na stress para sa’yo.

Masuwerteng numero; 28,34,42,55

TUPA (SHEEP)

Makakahalubilo mo sa araw na ito ang isang hinahangaang opisyal ng bayan. Pagkakataon mo na para masabi sa kanya ang iyong hinaing pero hindi mo pa rin magagawa dahil mauunahan ka ng hiya na lapitan siya at kausapin.

Masuwerteng numero; 24,25,27,30

UNGGOY (MONKEY)

Isang bagong oportunidad sa gitna ng hindi pa rin maayos na sitwasyon ang kakatok sa’yo sa araw na ito. Masyadong maganda ang offer na ito para tanggihan mo kaya naman agad mo itong pagdedesisyunan na tanggapin.

Masuwerteng numero; 67,68,74,75

TANDANG (ROOSTER)

May kalabuan pang dumating ang perang hinihintay mo sa ngayon. Subalit sa halip na magmaktol at magreklamo ay itutuon mo na muna ang atensyon mo sa maliit mong negosyo at aasang maisasalba ka nito sa gastusin.

Masuwerteng numero; 10,11,22,34

ASO (DOG)

Ikakatuwa mo ng husto ang nalalapit mong pagbabalik sa trabaho. Kaya naman paghahandaan mo ito. Ngayon pa lang ay paplanuhin mo na ang mga uunahin mong bigyan ng pansin at ipriority sa trabahong namiss mo.

Masuwerteng numero; 43,46,58,59

BABOY (PIG)

Magiging masaya ang araw mo mula sa umaga hanggang sa gabi. Ang dahilan nito ay ang magandang pasok ng kita sa negosyo. Papaboran ka ng suwerte at pagbibigyan ka nitong umalagwa ngayon sa benta.

Masuwerteng numero; 50,51,61,67

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.