28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 21, 2024

DAGA (RAT)

Imposible mangyari ang hinihiling mo. May mga bagay na sadyang nakatakda ang kaganapan meron din naman na kahit anong gawin mo ay hindi mabibigyang katuparan. Mas makakabuti kung ipagpapatuloy mo na lang ang pagsisikap.

Masuwerteng numero; 12,34,43,54

BAKA (OX)

May darating kang isang importanteng bisita. Mahalaga ang pakay niya sa’yo at malaking tulong din naman ang maibibigay niya para sa inyong pamilya kaya istimahin mo siyang mabuti at umayon sa kanyang mga nais.

Masuwerteng numero; 17,21,22,60

TIGRE (TIGER)

Malapit ka ngayon sa disgrasya kaya umiwas sa mga lugar na delikado. Hangga’t maaari ay huwag ka munang lalabas. Iwasang makihalubilo sa maraming tao at siguruhin na safe ang iyong paligid. Mas safe ka ngayon sa loob ng inyong bahay.

Masuwerteng numero; 7,11,24,50

KUNEHO (RABBIT)

Matamlay ang araw na ito para sa inyo ng iyong mahal. Makakaramdam ka ng labis na pangungulila sa kanya. Pero wala kang magagawa sa inyong sitwasyon sa ngayon. Kailangan ninyo parehong magtiis pansamantala.

Masuwerteng numero; 6,10,33,46

DRAGON (DRAGON)

Dahil sa isang pangyayari ay mas lalalim pa ang pagtitinginan nyo sa isa’t-isa ng taong kinakasama mo ngayon. Mararamdaman mo na mas higit na ang tibay ng pundasyon nito kaya naman lalo mo pa siyang mamahalin.

Masuwerteng numero; 13,24,25,66

AHAS (SNAKE)

Ipagpapaliban mo ang isang pagbibiyahe dahil sa mhalagang tawag na matatanggap mo mula sa isang tao na malapit sa iyong puso. Kakailanganin niya ang tulong at presensya mo kaya mapipilitan kang ikansel ang iyong lakad at puntahan siya.

Masuwerteng numero,26,32,57,59

KABAYO (HORSE)

Isang magandang pagkakataon ang makukuha mo para makausap ang isang bagong kaibigan. Pakiramdam mo kasi ay malaki ang maitutulong niya sa iyong kabuhayan kaya naman sasamantalahin mo ang pagkakataong ito.

Masuwerteng numero; 2,15,45,78

TUPA (SHEEP)

Malaki ang pag-asa mong matanggap sa bago mong inaaplayan. Pursigido ka talagang makuha ang trabahong ito kaya naman dobleng paghahanda, pagsisikap at pagtitiyaga ang gagawin mo mapasa’yo lang ang posisyong ito.

Masuwerteng numero; 5,14,20,29

UNGGOY (MONKEY)

Sundin mo lang kung ano ang ibinubulong ng iyong puso. Maaaring kumplikado ito para sa’yo pero kung bibigyan mo lang siya ng pagkakataon ay makikita moat malalaman mo na puwede rin naman pala kayong maging masaya.

Masuwerteng numero; 18,24,82,84

TANDANG (ROOSTER)

Mawawalan ng saysay ang mga pinaghirapan mo dahil sa pagbibigay mo ng tsansa sa isang tao na hindi na karapat dapat para sa’yo. Imulat mo ang iyong mga mata sa katotohanan ng buhay. May mga bagay na hindi na pwede at kapag ipinilit ay lalong pumapait.

Masuwerteng numero; 4,8,19,50

ASO (DOG)

Huwag mo nang masyadong pag-isipan kung ano ang dapat mong gawin para sa isang kapamilya na naliligaw ng landas. Alam na alam mo na kung ano ang dapat para sa kanya kaya huwag mo nang hintayin na lalo pa siyang mapahamak sa tagal mong mag-isip.

Masuwerteng numero; 7,13,18,23

BABOY (PIG)

Isang bagay na hindi gaanong mahalaga ang pagdedesisyunan mo ngayon. Pero sa gagawin mong pagdedesisyon, ang magiging resulta nito ay magkakaroon ng halaga sa iyo at sa iyong pamilya kaya huwag nang magpatumpik tumpik pa.

Masuwerteng numero;1,12,34,49

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.