28.9 C
Manila
Tuesday, May 28, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 2, 2024

DAGA (RAT)

Limitado ang  magiging kilos mo ngayon sa loob mismo ng inyong bahay dahil may pangingilagan ka. Ayaw mong magkabangga kayo ng iyong byenan kaya ikaw na mismo ang maglilimita sa mga kilos mo para wala siyang masabi.

Masuwerteng numero; 6,16,20,22

BAKA (OX)

Dahil ikaw ang higit na nakakaalam sa dapat gawin sa isang problemang kinakaharap sa trabaho ay ipapaubaya sa’yo ng mga kasamahan ang pagresolba rito. Malaki ang tiwalang ibibigay nila sa’yo sa pagkakataong ito.

Masuwerteng numero; 15,27,34,42

TIGRE (TIGER)

Huwag mo ng asahan na darating pa ang hinihintay mong tulong mula sa isang kamag-anak. Sa panahon na ito ay nangangailangan din sila ng tulong gaya mo kaya magkakanya-kanya na muna kayo ng diskarte para makaraos sa buhay.

Masuwerteng numero; 50,55,65,68

KUNEHO (RABBIT)

Magiging bahagi ka ng isang kapaki-pakinabang na aktibidad sa inyong lugar. Sa pamamagitan nito ay magagawa mo ang matagal mo ng nais gawin na pagtulong . Magagamit mo rin ang iyong talento eventually.

Masuwerteng numero; 8,18,20,34

DRAGON (DRAGON)

Muli kang susubukan ng tadhana. Malalaman mo ang limitasyon ng iyong kakahayahan sa isang gawain. May mga tao kang mapapahanga subalit hindi maiiwasan na meron pa ring mga tao ang hindi masisiyahan.

Masuwerteng numero; 9,13,25,27

AHAS (SNAKE)

Hindi magiging maayos ang pakiramdam mo sa araw na ito. Makakaranas ka ng pagsakit ng ulo gayundin ng katawan. Subalit huwag mag-alala dahil ang sama ng pakiramdam ay walang kinalaman sa laganap na virus.

Masuwerteng numero; 10,20,24,33

KABAYO (HORSE)

Isang mahalagang okasyon ang makakalimutan mo ngayong araw. Kaya naman may lihim na sasama ang loob sa’yo. Wala ka ng magagawa dahil huli na bago mo ito maalala. Ang pag-iisipan mo na lang ay kung paano makakabawi.

Masuwerteng numero; 46,51,60,71

TUPA (SHEEP)

Hindi sinasadyang maipapamalas mo ngayon ang iyong natatagong talento. Dahil hindi ito planado kaya naman hindi ganoon kapulido. Sa kabila nito ay marami ka pa ring mapapasayang tao na nasa paligid mo na makakamalas nito.

Masuwerteng numero; 40,42,53,62

UNGGOY (MONKEY)

Mahilig ka sa mga sports kaya hinahanap-hanap ito ng katawan mo ngayong nakakulong ka lang sa bahay. Pero hindi ka susuko. Makakaisip ka ng magandang paraan para makapaglaro pa rin ng sport mo kahit nasa loob lamang.

Masuwerteng numero; 63,64,75,80

TANDANG (ROOSTER)

Magiging maganda pa rin ang kabuuan ng maghapon mo kahit pa may konting stress kang mararanasan sa umaga dahil na rin sa ilang miyembro ng inyong pamilya. Ito ay dahil pipiliin mo pa rin ang maging mahinahon.

Masuwerteng numero; 46,47,50,51

ASO (DOG)

Hindi ka nakakatiyak sa tunay na intensyon ng taong nagsasabi na dapat mo siyang pagkatiwalaan. Kaya naman ngayong araw ay bibigyan mo siya ng isang lihim na pagsubok na magpapatunay sa mabuti niyang intensyon.

Masuwerteng nuemro; 12.23,24,39

BABOY (PIG)

Maglalambing sa’yo ang nakatatanda mong kapatid dahil meron siyang hihingin na pabor. Subalit ang pabor na kanyang hihilingin ay kakailangan mo munang pag-isipan ng mabuti upang walang pagsisihan sa huli.

Masuwerteng numerol; 10,13,27,35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.