30.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 19, 2024

DAGA (RAT)

Magkakaroon ka ngayon ng pagkakataon na makausap ang dati mong malapit na kaibigan. Mahalaga ang inyong mapag-uusapan na may kinalaman sa inyong nakaraan na naging mitsa ng muntik nyo ng hidwaan.

Masuwerteng numero’ 15,30,32,35

BAKA (OX)

Ang puno’t dulo ng iyong pagiging masigasig ngayon ay ang pagkapahiya mo sa isang tao na tinitingala mo. Gusto mong patunayan sa kanya na mali ang pagkakilala niya sa’yo kaya naman ipapakita mo sa kanya ang tunay mong kakayahan.

Masuwerteng numero; 27,30,35,40

TIGRE (TIGER)

Mabibigo ka sa inaasahan mong tulong mula sa kaibigang nasa ibang bansa. Tulad mo ay naging apektado rin siya kaya ang ipinangako niyang tulong sa’yo ay hindi na niya maipapaabot pa kahit gustuhin niya.

Masuwerteng numero; 45,50,56,63

KUNEHO (RABBIT)

Bilang isang mabuting magulang ay mas pipiliin mo ang ikakabuti ng iyong mga anak kaysa sa ikakabuti ng iyong kalagayan. Kaya naman isasakripisyo mo ang mga bagay na makapagpapaalwan sa’yo para sa kanila.

Masuwerteng numero; 6,12,13,24

DRAGON (DRAGON)

May mga bago kang matutuklasan sa iyong sarili. Mga talentong hindi mo inaakala na meron ka. Dahil dito ay magiging excited ka na ipakita ito sa lahat. Pero bago ‘yon ay pag-aaralan mo muna itong mabuti bago mo ibahagi.

Masuwerteng numero; 7,12,18,20

AHAS (SNAKE)

Magagamit mo na rin sa wakas ang talent mo sa pagluluto bilang bahagi ng iyong negosyo. Hindi mo ito pinlano at wala ka ring kabalak-balak na gawin itong hanapbuhay pero ito ang direksyong ibibigay sa’yo ng tadhana.

Masuwerteng numero; 67,69,70,71

KABAYO (HORSE)

Sa kabila ng kaluwagang mangyayari sa inyong lugar ay hindi pa rin mawawala ang iyong pangamba sa posible nyo pang kaharapin. Sa halip ay mas lalo pang lalaki ang takot mo sa gitna ng mga pagbabago at kaganapan.

Masuwerteng numero; 6,13,27,33

TUPA (SHEEP)

Hindi mo akalain na maiiwasan mo ang isang problema na sigurado ka ng kakaharapin mo. Ito ay dahil sa pagtanggap mo sa isang trabaho na ngayon mo pa lang masusubukan. Ito ang magsasalba sa’yo sa problemang inaasahan.

Masuwerteng numero; 47,52,54,66

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang magiging conversation nyo ng iyong boss sa araw na ito. Pakiramdam mo ay malayo pa ang mararating ng inyong samahan bilang magkatrabaho lalo pa at nagkakasundo kayong mabuti sa inyong mga plano.

Masuwerteng numero; 40,50,55,59

TANDANG (ROOSTER)

Mapapasok ka ngayon sa isang sitwasyon na hindi mo inaasahan. May advantage at disadvantage kang makukuha mula rito. Mahihirapan kang labasan ito, pero sa huli ay ikakatuwa mo na napagdaanan mo ito.

Masuwerteng numero; 8,19,32,34

ASO (DOG)

Malalaman mo na rin ang sagot sa katanungan na palaging kinukulit sa’yo ng iyong kaanak. Bagamat magdadalawang isip ka na sabihin ito sa kanya, sa huli ay magdedesisyon ka pa rin na ipaalam ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 30,35,46,59

BABOY (PIG)

Ang pera na matagal na naging mailap sa’yo ay kusang lalapit ngayon at magtatagal sa iyong palad. Magiging masaya ka dahil dito. At bilang pasasalamat sa Diyos ay ibabahagi mo ito sa iba na malalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 17,20,32,36

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.