29 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 15, 2024

DAGA (RAT)

Malaki ang posibilidad na hindi mo magampanan ang tungkulin mo ngayon sa trabaho dahil sa dami ng magiging balakid. Mahahati ang atensyon mo sa iba’t-ibang bagay kaya naman mamomomroblema ka sa susunod na araw.

Masuwerteng numero; 16,20,22,25

BAKA (OX)

Malaki ang maitutulong mo sa isang kaibigan na nangangailangan ng tulong ngayon. Pero hihintayin mo muna na magsabi siya sa’yo dahil alam mong ayaw na ayaw niya ang humihingi ng tulong at maging kawawa sa paningin ng iba.

Masuwerteng numero; 7,11,13,20

TIGRE (TIGER)

Hindi magiging maganda ang simula ng araw na ito para sa’yo dahil sa ilang negatibong tao. Subalit bago naman matapos ang maghapon ay makakabawi ka rin at makukuha mo ang suwerte na matagal mo ring hinintay.

Masuwerteng  numero; 30,40,45,65

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ikaw ang pinakahuling magpapasya para sa isang usaping pampamilya. Pero malaki ang maitutulong ng suggestion mo para mabuo ang final na desisyon ng tao na responsable sa pagbibitaw ng pasya para sa inyo.

Masuwerteng numero; 17,18,22,33

DRAGON (DRAGON)

Kakapusin ka sa lakas ng loob para masabi sa isang nakatataas ma tao sa inyong lugar ang matagal mo ng hinaing. Bagamat magkakaroon ka ng pagkakataon sa araw na ito na makausap siya ay magiging tikom pa rin ang iyong bibig.

Masuwerteng numero; 60,61,75,78

AHAS (SNAKE)

Hindi ka magsasawang magbigay ng payo sa iyong anak. Kahit pa sa tingin mo ay binabalewala niya ang iyong mga sinasabi ay mananatili kang desidido na palakihin siya bilang isang mabuting tao na may malawak na pang-unawa.

Masuwerteng numero; 15,28,30,31

KABAYO (HORSE)

Dahil sa kawalan ng magawa sa araw na ito ay may mabubuo kang plano kung paano madaragdagan ang kita mo sa kabila ng krisis na pinagdaraanan.  Pero hangga’t hindi pa nabubuo sa isip mo ang detalye ay sasarilinin mo lang muna ito.

Masuwerteng numero; 7,8,12,13

TUPA (SHEEP)

Magiging memorable ang araw na ito para sa’yo. Dahil makaka-krus mo ng landas ang isang tao na matagal mo ng gustong makilala ng personal. Ikakagulat mo na siya pa mismo ang lalapit sa’yo para makipag-usap.

Masuwerteng numero; 16,20,30,34

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo lubos maisip na pagdaraanan mo ang araw na ito na ikaw mismo ang lalapit sa isang tao na dati mo pang kinakainisan para humingi ng tulong. Pero wala kang magagawa dahil wala ka namang mapagpipilian.

Masuwerteng numero; 27,32,44,45

TANDANG (ROOSTER)

Magiging abot kamay mo na ang isang bagay na gustong gusto mong makuha. Pero bago pa ito mangyari ay magbabago na ang isip mo dahil may mas importanteng bagay kang uunahin. Wala kang pagsisisihan sa desisyon mo.

Masuwerteng numero; 25,37,40,41

ASO (DOG)

Aanihin mo ngayon ang bunga ng iyong mga ginawa nitong mga nakaraang araw. Maganda ang bunga nito kaya naman lalo ka pang magiging inspired. Mag-iisip ka pa ng mga bagong ideya na magugustuhan ng mga customers.

Masuwerteng  numero; 10,11,13,14

BABOY (PIG)

Ikaw ang magsisilbing modelo ngayon sa iyong mga nakababatang kapatid. Anuman ang gawin mo ay nanaisin nilang tularan dahil sa malaking tiwala nila sa’yo. Kaya naman sisikapin mo na maging mabuting huwaran sa kanila.

Masuwerteng numero; 50,52,56,67

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.