33.5 C
Manila
Thursday, May 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 14, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo kailangan na paniwalaan ng iba. Patuloy mo pa ring gagawin ang mga inaakala mong tama na sa tingin mo’y makakabuti rin para sa nakararami. Mag-iisip ka pa ng mga bagong ideya sa mga bakante mong oras.

Masuwerteng numero; 5,6,17,18

BAKA (OX)

Isang kaibigan ang papanaw at ito ay magdudulot ng labis na kalungkutan sa puso mo. Mapapaisip ka tungkol sa hiwaga ng buhay. Dahil dito ay hindi mo maiwasan na makaramdam ng takot kung gaano lang kaigsi ang buhay ng isang tao.

Masuwerteng numero; 27,30,34,54

TIGRE (TIGER)

Isang malaking pagsasayang ng sandali ang mangyayari sa’yo ngayong araw na ito. Wala kang mahalagang bagay na magagawa. Sa halip ay hahayaan mo na lumipas ang buong maghapon na wala kang nagawa.

Masuwerteng numero; 30,40,55,58

KUNEHO (RABBIT)

Maninibago ka sa pagbabalik mo sa iyong nahintong trabaho. Excited ka pero parang wala ka pa sa tamang wisyo na harapin ang iyong trabaho kaya naman ang araw na ito ay hindi magiging produktibo para sa’yo.

Masuwerteng numero; 11,13,20,24

DRAGON (DRAGON)

Isang tao na hindi mo pa gaanong kilala ang makikiusap sa’yo kaugnay ng isang mahalagang bagay. Hindi ka agad magdedesisyon. Sa halip ay pag-iisipan mo muna itong mabuti dahil takot ka na magkamali sa pagtulong.

Masuwerteng numero; 45,51,53,60

AHAS (SNAKE)

Pakiramdam mo ay malapit ka na sa tagumpay. Yung tipong isang hakbang na lang ay nandoon ka na. Pero ang lahat ng pag-asa mo ay mauunsyami dahil sa isang pangyayari na hindi mo inaasahan ngayong araw.

Masuwerteng numero; 15,20,24,40

KABAYO (HORSE)

May pagbabagong magaganap sa iyong trabaho. Kung dati ay ganadong ganado ka sa iyong departamento, ngayon ay magkakaroon ka ng pag-aalinlangan sa iyong gawain dahil hindi mo pa ito gamay.

Masuwerteng numero; 11,19,20,30

TUPA (SHEEP)

Mahihirapan ka na ibigay ang pabor na hihilingin sa’yo ng isang taong pinagkakautangan ng loob. Kapag pinagbigyan mo siya ay may masasaktan kang ibang tao. Kapag hindi mo naman siya pinagbigyan ay siya ang iyong masasaktan.

Masuwerteng numero; 37,40,52,58

UNGGOY (MONKEY)

Ang pangakong binitawan sa’yo ng isang tao ay hindi pa rin magkakaroon ng katuparan sa araw na ito. Hindi mo maiiwasan na hindi magdamdam subalit wala ka namang magagawa at mahihiya ka ring magtanong sa kanya.

Masuwerteng numero; 7,9,14,15

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo kakayaning panindigan ang sinabi mo sa isang kamag-anak na hindi mo talaga makasundo. Dahil ngayong araw ay kakainin mo ang lahat ng sinabi mo. Hindi mo maiiwasan ang pagkapahiya sa kanya.

Masuwerteng numero; 48,50,59,67

ASO (DOG)

Isang mahalagang bagay na may sentimental value ang mawawala sa’yo. Labis kang malulungkot dahil dito. Uubusin mo ang oras mo sa paghahanap dito at sa pag-alala kung saan mo ito maaaring naiwan o naiwala.

Masuwerteng numero; 39,46,48,54

BABOY (PIG)

Marami kang gustong sabihin sa isang importanteng tao para sa’yo. Pero hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na sabihin ito sa kanya. Wala kang chance ngayong araw na ito para makausap siya kahit gaano mo pa kagusto.

Masuwerteng numero; 15,20,25,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.