29.9 C
Manila
Friday, May 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 13, 2024

DAGA (RAT)

Ang araw mo ngayon ay mapupuno ng suwerte dahil sa sunud-sunod na biyayang matatanggap. Meron sa umaga at meron din sa gabi bago matapos ang araw.  Kaya naman magiging positibo ang buong maghapon mo.

Masuwerteng numero; 14,20,22,23

BAKA (OX)

Hindi ka na mahihirapan na makisama sa iyong mga in-laws dahil mula sa araw na ito ay mangyayari na ang gusto mong pagbubukod. Gayunpaman, wala kang balak na ilayo ang mga bata sa kanila dahil alam mong hindi iyon tama.

Masuwerteng numero; 7,11,19,20

TIGRE (TIGER)

May paraan pa para maresolba mo ang problemang kinakaharap sa ngayon. Kahit nawawalan na ng pag-asa ang mga taong nasa paligid mo ay ikaw mismo ang magbibigay ng pag-asa sa kanila at magpapalakas ng kanilang loob.

Masuwerteng numero; 18,28,34,35

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo man maibalik ang dati ninyong sitwasyon ay sisikapin mo na mas maging mabuti ang magiging sitwasyon nyo sa hinaharap. Pag-aaralan mo na ngayon kung ano ang pinaka-mainam na gawin para sa ikaaangat nyo.

Masuwerteng numero; 56,61,63,70

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka mahilig sa sugal pero ngayon na natutunan mo na ito ay hahanap hanapin mo na. Gayunpaman, wala kang balak magpaka-adik dito kahit pa pinapatikim ka na ng panalo. Mas pipiliin mo pa rin ang maging abala sa trabaho.

Masuwerteng numero; 11,20,32,35

AHAS (SNAKE)

May matututunan ka ngayon na bagong pagkakakitaan. Kahit pa hindi buo ang tiwala ng iyong pamilya sa pagkakakitaang ito ay susubukan mo pa rin dahil mas mahalaga sa’yo ang sumubok kaysa magsisi sa huli.

Masuwerteng numero; 10,11,13,27

KABAYO (HORSE)

Ngayong araw ay mararamdaman mo ang bigat ng krisis na inyong pinagdaraanan dahil masasaid na ang laman ng iyong bulsa. Pero hindi ka mawawalan ng pag-asa at patuloy na mag-iisip ng paraan kung paano makaka-survive.

Masuwerteng numero; 3,5,15,26

TUPA (SHEEP)

Makakaisip ka ng magandang ideya kung paano mo maipaaabot ang tulong sa mga kamag-anak na nasa malayo. Matagal mo na silang gustong tulungan pero ngayon ka lang makakagawa ng paraan kaya gagaan na ang iyong kalooban.

Masuwerteng numero; 30,33,43,45

UNGGOY (MONKEY)

Isang magandang balita ang matatanggap mo sa iyong boss ngayong araw na ito bago matapos ang maghapon. Kaya naman ang buong gabi mo ay magiging magaan at panatag. Makakatulog ka ng mahimbing.

Masuwerteng numero; 26,29,30,31

TANDANG (ROOSTER)

Tututukan mo ngayon ang pag-aaral ng iyong mga anak. Gusto mong ihanda sila sa pag-aaral kahit malayo layo pa ang pasukan. Pero mahihirapan ka na kunin ang atensyon nila dahil sa iba nilang pinagkakaabalahan.

Masuwerteng numero; 2,11,14,24

ASO (DOG)

Kahit meron kang nalalaman ay hindi ka pa rin magbibigay ng pahayag tungkol sa isang isyu na kinasasangkutan ng iyong pangalan. Mangangamba ka na baka mapasama pa ang iyong sasabihin kaya mananahimik ka na muna.

Masuwerteng numero; 16,17,20,30

BABOY (PIG)

Medyo hindi maganda ang araw na ito para sa’yo dahil may makakasagutan kang tao tungkol sa isang mahalagang bagay na pinag-aagawan nyo. Pero bago sumapit ang gabi ay magkakaroon ka rin ng katahimikan.

Masuwerteng numero; 10,31,43,44

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.